Advertisers

Advertisers

Mag-live in arestado sa buy bust

0 12

Advertisers

Arestado ang mag-live in partner sa isinagawang drug buy bust operation sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Ayon kay Police Captain Glenn Gonzales, Station Drug Enforcement Unit Chief ng Batasan PNP, magkasabwat sa transaksyon ang dalawa na isang buwan ding minanmanan ng QCPD.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek.



Nakuha sa kanila ang nasa apatnapung gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272,000.00 habang isang baril na hindi lisensyado ang nakuha sa lalaking suspek.

Mahaharap ang dalawa sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.



Sasampahan din ng reklamong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang lalaki suspek.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">