Advertisers

Advertisers

‘Car rent-tangay’ syndicate natimbog ng QCPD

0 181

Advertisers

Nabuwag ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong carnapping syndicate na tinaguriang “rent-tangay” nang madakip ang siyam na miyembro bunga.

Ayon kay QCPD Director Police Brig. Gen. Redrico Maranan, ang operasyon sa pangunguna ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) na pinamumunuan ni Police Maj. Hector Ortencio nagresulta sa pagkakarekober ng 12 sasakyang tulad ng pickup, sports utility vehicle (SUV), van, sedan at iba pa.

Bukod dito, may pito rin motorsiklo ang narekober ng iba’t-ibang istasyon ng pulisya ng QCPD sa kampanya laban sa carnapping.



Pansamantalang hindi muna inilabas ng QCPD ang pagkakakilanlan sa mga nadakip dahil sa patuloy pa rin ang operasyon laban sa mga nalalabi pang miyembro ng sindikato.

Isinalin na ng QCPD sa dalawang may-ari ng sasakyan, Toyota Fortuner at Toyota Van, ang kanilang sasakyan.



Ayon kay Maranan ang modus ng sindikato magpapanggap na kustomer kung saan mag-aarkila sila ng sasakyan para sa loob ng ilan araw pero hindi na ito ibabalik dahil sa ibinebenta na nila ito.

Malalaman na lang ng mga negosyanteng ‘rent a car service’ na natangayan sila ng sasakyan kapag hindi na ibinabalik ang sasakyan sa takdang araw na pinag-usapan at hindi na rin nila makontak ang umarkila.(Almar Danguilan/Ernie dela Cruz)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">