Advertisers

Advertisers

Maynila at McDonald’s nagkasundo sa hiring ng Seniors, PWDs

0 60

Advertisers

SA isang Memorandum of Agreement, nagkasundo ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila at ang personnel provider ng McDonald’s sa isang hiring program para sa hiring ng senior citizens at persons with disability (PWDs).

Iginiit ni Manila Mayor Honey Lacuna: “Libre ang medical requirements. Sagot ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang gastos para sa Fit To Work medical certifications, physical exam, medical exam, and laboratory tests. Kami na ang bahala. Gagawin ito ng Manila PESO. May procedure na sila para dito.”

Ang mga maha-hire na seniors at iba matatandang indibidwal ay magtatrabaho nang hindi hihigit sa apat (4) na oras sa isang araw, sa shift sa umaga o shift sa hapon. Ipagkakatiwala sa kanila ang mga sumusunod na tungkulin: order presenters, drink drawers, table managers, o guest relations staff. Magkakaroon din sila ng 13th month pay at service incentive leave at isasama sila sa group insurance ng kumpanya.



“Binabati ko ang McDonald’s sa kanilang mahusay na corporate social responsibility sa pagbibigay ng trabaho para sa mga nakatatanda at PWD sa kanilang mga branches sa Lungsod ng Maynila,” sabi ni Mayor Lacuna. Tatlong tauhang seniors or PWD ang iha-hire kada outlet ng McDonald’s sa loob ng Lungsod ng Maynila at lahat ng kwalipikado sa programa ay sasailalim sa pagsasanay.

“Upang matulungan ang mga nakatatanda at PWD, hiniling ko sa Manila Police na i-waive ang kanilang usual fees para sa pag-iisyu ng police clearance at magbukas ng courtesy lanes para sa mga nakatatanda at PWD na nag-a-apply para sa police clearance kaugnay sa pag-aaplay ng trabaho alinsunod sa memorandum of agreement,” sabi din ng alkalde.



CAPITAL CITY OF EQUAL OPPORTUNITY

Nang malaman ang programa ng seniors hiring, pinuri ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes si Mayor Honey Lacuna at ang kanyang administrasyon sa Manila City Hall sa kanilang patuloy na tagumpay sa pagbibigay ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga senior citizen, iba pang matatanda, at mga may kapansanan.



“Muling pinatutunayan ng nasabing MOA, na ang Maynila ay isang Capital City of Equal Opportunity sa Pilipinas. Kasama ko si Mayor Honey Lacuna sa pagpupuri sa McDonald’s sa pagbibigay ng trabaho sa mga kwalipikadong senior citizens, iba pang nakatatanda, at mga PWDs” ani ng chairman ng Committee on Senior Citizen sa House of Representatives.

“Naaalala ko rin at pinupuring muli ang Shakey’s, Sarisuki, at KFC sa Maynila sa pagpapatupad ng mga batas laban sa diskriminasyon ng ating bansa sa kanilang kumpanya,” ani Ordanes.

“Sa inspirasyon ng kanilang mga halimbawa, gagawa ako ng isang Senior Citizen Party-list award para kilalanin ang mga namumukod-tanging LGU, kumpanya, at organisasyon na mahusay na huwaran sa pagtataguyod ng mga karapatan, kapakanan, at proteksyon ng mga senior citizen,” dagdag ni Ordanes. (ANDI GARCIA)