Advertisers

Advertisers

DAVAO OCC.COCOLIFE TWICE TO BEAT VS MIS OR SA PSL QUARTERS

0 40

Advertisers

NASA bentaheng posisyon ang defending champion Davao Occidental Tigers Cocolife, #6 sa aarangkada nang quarterfinals ng Pilipinas Super League( PSL) President’s Cup kung saan ay makakatapat nito ang Misamis Oriental#11.

Ang nagdedepensang Tigers team ng Bautista clan mula Davao Occidental at suportado nina Cocolife pres.Atty Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Atty Elmore Omelas ay need na talunin ng dalawang beses ng Misamis para mapigilan ang pagpasok sa semifinals ng powerhouse Davao Cocolife.

Maghaharap din ang Nueva Ecija ( #3)vs Manila(#14) sa bisa ng high ranked twice to beat team.



Ang CSB,#7 ay sasabakan ang #10 Bulacan habang ang 3rd ranked San Juan ay haharap kuntra Camnor ,#15.

Twice to beat din sa Group B ang mga koponang Quezon,Sulu,Munti at nangungunang Binan kontra Novakiches,Caloocan,San Pedro at RCP ayon sa pagkakasunod.



Matira ang matibay kaya optimistiko ang pamunuan ng Davao na makararating sila sa kanilang misyon dahil ngayon pa lang sila nagpi-peak ng kanilang bangis sa PSL.ABANGAN!

***



‘AYON KAY KONSI APIONG’

“MATAGUMPAY na nairaos ang ?Serisyong Balik sa Tao ng inyong abang lingkod ‘Konsehal Apiong’ ang DENTAL MISSION – Libreng Bunot ng Ngipin sa Savvy 25 Homeowners Assoc. Inc. Brgy. Marcelo Green.

Lubos ang ating pasasalamat magmula sa Kapitan ng Barangay na ito na si Kapitan Ian V. Aguilar hanggang sa masisipag na staff at coordinators niya sapagkat kami ay malugod na inasistehan. Sila rin ay naghanda ng mainit at masarap na sopas para sa ating mga pasyente.

Tayo naman ay muling nagpa-ice cream para sa mga nabunutan at gaya ng dati, tayo ay namahagi ng libreng gamot. .

Kaagapay pa rin sa proyektong ito ang TGP Partylist sa pangunguna ni Deputy Majority Leader Congressman Bong Teves, Jr. Maraming salamat sa ating Mayor Eric L. Olivarez sa pagbisita at suporta sa ating misyon gayundin sa ating Vice Mayor Joan Villafuerte Parañaque sa patuloy na pag suporta satin. Sa maybahay ni Councilor Bong Benzon na si Ms. Shiella Benzon salamat po inyong pagbisita.

Lubos din ang ating pasasalamat sa Homeowners President ng Savvy25 na si Pres. Arlene Desacola at mga officers na ito sa pagpapaunlak na magamit ang kanilang napakagandang venue.

Para po sa iba pa nating schedule sa ibang Barangay, manatili po tayong nakasubaybay sa aming page upang updated po kayo sa aming mga susunod na aktibidades.
#serbisyongbalikatsataoniApiong
#raffyapiongdelapena
#teamapiong