Advertisers
Arestado ang tatlong tulak ng ilegal na droga na aabot sa halos P200k halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan City.
Sa report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation laban kay alyas ‘Biwa’ nang makatanggap ng impormasyon hinggil sa illegal drug activities nito sa Brgy. 19 Caloocan City.
Sa ulat, naaaresto si Biwa 12:47 ng madaling araw sa Doña Rita St., Brgy., 19 Caloocan City.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 13.60 grams ng shabu na may standard drug price value na P92,480.00 at buy bust money.
Nauna rito, 12:40 ng madaling nang matimbog naman sina alyas ‘JR’ at “Jay-Jay”, sa buy bust operation sa BMBA Compound, 3rd Avenue, Brgy. 120 Caloocan City.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 13.60 grams ng shabu na may katumbas na halagang P92,480.00 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)