Advertisers

Advertisers

‘CRIME INCIDENT’ NG POGO, NABAWASAN SA PASAY CITY

0 52

Advertisers

HINDI na nadagdagan bagkus ay nabawasan ang insidente ng krimen na kinasasangkutan ng ilang Chinese national na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa lungsod ng Pasay.

Ayon kay PCOL Mario Lokingan Mayames Jr, OIC ,Pasay POlice Station, ikinagalak nito bumaba na ang ‘crime incident’ sa lungsod kumpara noon na halos nasasangkot sa mga krimen ang mga empleyado ng POGO sa ibat ibang ilegal na gawain partikular na ang mga dayuhang tsino.

Ipinaliwanag ni Mayames sa mga mamamahayag na siya na mismo ang umiikot at naglatag ng programa sa mga namamahala ng POGO na panatilihing maayos at legal ang operasyon nito upang madaling mamonitor sa nasabing lungsod.



Aniya, kailangan lang ng diplomasya upang makuha ang loob ng mga taga POGO at sila na mismo ang nagrereport sa police station kung may mga kahinahinalang kilos ang ilang mga banyaga na magiging dahilan upang pigilan bago makagawa ng krimen.

Nabatid kay Mayames na noong una ay nag-aalangan ang kanilang ng mga pulis na pumasok sa legal na POGO kayat ipinaliwanag niya na huwag matakot dahil silang mga alagad ng batas ang magpoprotekta sa kanila laban sa mga ilegal na gawain.



Dagdag pa ng opisyal na obligasyon ng pulis na protektahan ang lahat ng business establishment sa Pasay upang makatulong sa pagsulong ng ekonomiya at karagdagang trabaho subalit obligasyon din nila sugpuin ang mga ilegal na negosyo sa lungsod.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nangangalap ng intelligence report ang kapulisan sa mga POGO establishment subalit wala pa silang namomonitor na gumagawa ng iligal na gawain base na rin sa natatanggap nilang impormasyon mula sa loob ng mga establisyemento sa lungsod. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">