SP Zubiri inamin gumamit ng “backchannelling” para kumbinsihin si Quiboloy na dumalo sa Senate probe
Advertisers
TAHASANG inamin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ginawa nila ang lahat ng paraan upang makumbinsi si Pastor Apollo Quiboloy na humarap sa imbestigasyon ng Senado.
Ani Zubiri, sinikap nilang gawin ang lahat katulad ng backchanelling para mapadalo lang si Quiboloy sa pagdinig.
Lahat narin aniya ng ibang paraan ay kanilang ginawa pero nagmatigas talaga ang pastor at ayaw dumalo sa Senado.
Siniguro naman ni Zubiri na pinag-aralan nila nang husto ng kanilang legal team ang pag-iisyu ng arrest order laban sa religious leader.
Pagdidiin ng senador, iginagalang niya ang desisyon ng Senate Committee on Women and Children at sa mataas na kapulungan ay mas nangingibabaw ang committee system.
Binigyang garantiya naman ni Zubiri na irerespeto at kikilalanin ang mga karapatan ni Quiboloy at magiging patas ang pagtrato sa kanya.