Listahan ng seniors, pwd’s at head ng pamilya, pinapa-update ni Mayor Honey
Advertisers
BINIGYANG direktiba ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng pinuno ng barangay na i-update ang kanilang listahan ng senior citizens, persons with disability at heads ng pamilya.
Kasabay nito ay hinimok nya rin ang lahat ng concerned sectors at mga residente na sila na mismo ang magpunta sa barangay leaders at magpalista.
Ayon kay Lacuna, ang layunin ng direktiba ay upang matiyak na tama ang lahat ng impormasyon na nasa listahan. Ito rin ay malaking tulong sa lungsod.
Sinabi pa nito na ang updated lists ay magagamit din ng lokal na pamahalaan sa social amelioration program (SAP) nito at upang maisama ang lahat ng kwalipikado.
Ang pamahalaang lokal at nagkakaloob ng buwanang financial assistance sa senior citizens, solo parents, PWDs at university students bilang paraan ng pagtulong sa kanilang araw-araw na pangangailangan.
Ayon kay Lacuna, may mga ulat na nagsasabing ang kasalukuyang listahan ng beneficiaries ay naglalaman ng mga namatay na at lumipat na ng tirahan.
Ang pag-a-update pa aniya ay layunin din na maisama ang mga bagong senior citizens,solo parents at PWDs. (ANDI GARCIA)