Advertisers

Advertisers

29 nasawi sa pagkalunod ngayong Semana Santa – PNP

0 5

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng tatlumpu’t apat (34) na kaso ng pagkalunod sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Col. Jean Fajardo, Chief ng PNP Public Information Office mula March 25 hanggang 6:00 ng umaga nitong Linggo nasa 56 na mga insidente ang naitala.

Aniya, mula sa 34 insidente ng pagkalunod, 29 ang nasawi, 3 ang injured habang 3 naman ang missing at patuloy ang isinasagawang search and rescue operation.



Labing dalawa ang minor kung saan may edad na 4, 5, 6 at ang pinakamatanda ay 78 anyos.

Ayon kay Fajardo, ang mga insidente ay naitala sa mga beach, resort at mga ilog at may 2 insidente muntik ng pagkalunod buti na lang may mga pulis na nandoon kaya naisalba ang mga biktima.

Sinabi ni Fajardo na pinakamaraming naitala insidente sa Region 4A (Calabarzon) na nasa 10. Sumunod ang Region 1, 6, Region 2, 6 at Region 5 (Bicol) ay 5. Nagpapatuloy naman ang search and rescue sa nalunod sa Rosales, Jones Isabela at Tumauni Isabale.

Isinaad ni Fajardo na base sa resulta ng imbestigasyon, ilan sa nalunod ay mga lasing habang ang mga menor de edad na nasawi ay dahil hindi napansin ng magulang o mga nagbabantay.

Nananatili sa heightened alert ang PNP hanggang April 1 maliban na lamang kung ipag-utos na palawigin ng regional directors. (Mark Obleada)