Advertisers
Ipinagdiwang ni Manila SK Federation President, Konsehala Juliana Ibay ang kanyang ika-22 kaarawan sa Hospicio De San Jose noong April 4, 2024.
Dumalo sa naturang okasyon sina Chi Atienza, anak ni dating Mayor Lito Atienza; at mga chairman ng Distrito 5.
Katuwang ni Juliana ang kanyang amang si dating konsehal Ric Ibay, na nagpaabot ng kasiyahan sa mga bata at mga elderly sa Hospicio De San Jose.
Sa halip na ipagdiwang na maging magarbo ang kaarawan ni Juliana mas pinahalagahan nito na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa piling ng mga bata at mga matatanda na walang pamilyang umaaruga.
May mahigit 200 kabataan kasama ang matanda ang napaligaya ni Juliana sa kanyang kaarawan.
Ayon kay Juliana, charity event ang nais niyang maging tema sa kanyang ika-22 taon kaarawan. At dahil malapit ang loob niya sa mga bata at bilang SK President mas prioridad niya ang kabataan at elderly.
“Ito po talaga ang pinili kong klase ng selebrasyon dahil sobrang malapit po ang loob ko sa mga kabataan at sa maliit na paraan na ito sana maparamdam ko po na mahalaga kayo sa akin,” pagwawakas ni SK Prexy Ibay.