Advertisers
SWAK sa kulungan ang isang 45-anyos na babaeng bumibisita sa kanyang asawa sa kulungan nang mahuli sa tangkang pagpuslit ng ilegal na droga.
Ayon sa ulat, dumating ang babae sa Caloocan City Jail noong Biyernes para sa conjugal visit sa kanyang asawa.
Natuklasan sa routine search ang anim na sachet ng shabu na itinago niya sa pribadong parte ng kanyang katawan.
“Nakalagay sila sa isang plastic saka sini-seal sila ng condom. Tapos in-insert sa alam naman natin ang private part. Very elastic yan, papasok talaga,” pahayag ni Jail Superintedent Jerome Verbo.
Kabilang din sa itinagong items ang aluminum foil at 60 sigarilyo.
“Kung makikita niyo sa may gate kanina meron doon na private room, sine-search talaga. Lady personnel din ang nagse-search. Bawal po mag-search yung lalaki sa mga babae,” wika ni Verbo.
Ayon kay Verbo, may kaugnayan din ang kaso ng mister sa ilegal na droga. (Beth Samson)