Advertisers
Hinoldap ang isang gasolinahan ng dating empleyado nito sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy Paliparan 1, Dasmarinas City, Cavite.
Kinilala ang suspek na si alyas ‘Gelo,’ nasa hustong gulang na iningusong suspek sa panghoholdap at dating gasoline boy ng Phoenix Gasoline Station.
Base sa ginawang imbestigasyon at sa salaysay ni alyas ‘Jotge,’ 33, cashier ng Phoenix Gasoline Station, ala-1:14 ng madaling araw habang nasa loob siya ng opisina nang pumasok ang suspek na armado ng patalim.
Dito na nagdeklara ng holdap at puwersahang tinangay ang tinatayang humigit kumulang P40,000.00 cash na kita ng nasabing gasolinahan, at mabilis na tumakas matapos ang krimen.