Advertisers

Advertisers

QuiBoLoy pinaaaresto narin ng Pasig RTC

0 3

Advertisers

Naglabas ang Pasig City Regional Trial Court (RTC) nitong Huwebes, Abril 11, ng arrest order laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy at sa lima pang kapwa akusado para sa non-bailable na kasong qualified human trafficking.

“This court, after personally examining the information and its supporting documents, finds probable cause for the arrest of all the accused. Let warrants of arrest be issued against them,” saad sa kautusan na inilabas ni Acting Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa, ng Pasig City RTC Branch 159.

Ipinag-utos din ang pag-aresto sa mga kapwa akusado ni Quiboloy na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemanes.



Kinasuhan sila ng paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

May kaugnayan ito sa isinampang kaso sa Davao City laban kay Quiboloy at sa lima pang akusado, kung saan isang 17-anyos na babae ang diumano’y seksuwal na inabuso ni Quiboloy at minaltrato ng kanyang mga kapwa akusado.



Ibinasura rin ng korte ang Motion to Defer/Suspend Proceedings and Hold in Abeyance Issuance of Warrant of Arrest for being a prohibited motion na inihain ng kampo ni Quiboloy.

May isa pang na-kabinbing warrant of arrest laban kay Quiboloy para sa mga kasong child abuse at sexual abuse na inisyu ng korte sa Davao.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">