Advertisers

Advertisers

Ruffa dinenay na may mga quote card si Mommy Annabelle laban kay Sarah

0 8

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MAY post si Ruffa Guttierez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang quote cards, na ginawa umano ng kanyang mommy na si tita Annabelle Rama, na nagsalita raw ito ng hindi maganda laban sa kanyang dating manugang na si Sarah Lahbati.

Isa na rito ang umano’y matapang na pahayag ni tita Annabelle tungkol sa bagong dyowa raw ni Sarah na naispatang ka-date umano nito sa Hong Kong.



Ang nakalagay sa naturang fake quote card, “Nakikita n’yo! nakita n’yo nakikita n’yo naman yan hindi ko na kailangan pa magsalita.

“Oo may kasama sa hongkong ang bruha,” ang nakasulat pa sa pekeng quote card na ang tinutukoy ay ang nag-viral na litrato ni Sarah na may ka-date raw na foreigner guy sa Hong Kong.



Nauna nang itinanggi ni Sarah na dyowa niya ang naturang lalaki, aniya friend lang daw niya ito pero ipinagdiinan niya na single naman siya ngayon kaya walang isyu kung ma-link man siya sa iba.

Sa isa pang quote card ay mababasa naman na inamin daw ni Tita Annabelle na nagbakasyon si Richard kasama ang aktres na si Barbie Imperial.



Nakasulat pa roon na mas boto raw siya kay Barbie at di hamak daw na mas mabait ang dalaga kesa kay Sarah.

Pero ayon nga sa panganay na anak ni tita Annabelle na si Ruffa ay fake news ang mga naglabasang quote cards.

“My mom has not uttered a word. Things are peaceful at the moment. Let’s keep it that way,” paglilinaw ni Ruffa.

***

SA exclusive interview nI Pokwang sa Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April 11, natanong siya tungkol sa pagkaka-deport ng dating live-in partner na si Lee O’Brian.

Sabi ni Pokwang, “Para sa ikabubuti naming dalawa and para makapaghanapbuhay na rin siya nang maayos, ako rin ganoon.

“Para makapag-provide kami nang mas maayos para sa anak namin. Kasi kapag nandito siya, alam ko, hindi naman siya makakapaghanapbuhay dito.”

Ayon pa kay Pokwang, paano ito makapagbibigay ng suporta sa kanilang anak na si Malia kung hindi ito makakapag-work.

Peace of mind na rin daw ang hatid sa kanya ng pagbalik sa Amerika ni Lee dahil habang nasa Pilipinas ito ay maraming nakakarating sa kanya na hindi magaganda na nakaaapekto sa kanyang trabaho.

“Habang nandito siya, ang daming nakakarating sa akin na hindi maganda na may mga katibayan naman, lalong hindi ako nakakapagtrabaho.

“Kawawa lang yung bata kasi hindi kami makapaghanapbuhay pareho. Bakit ba kami nagtatrabaho? Di ba para sa anak namin?

“Pero when it comes to karapatan niya kay Malia, hindi ko naman yon ipagdadamot. Basta ayusin lang niya ang buhay niya. Anuman ang mangyari, tatay pa rin siya ni Malia. Hindi ko aalisin yon.

“Kung gusto ni Malia na pumunta doon [sa Amerika], then go fine. Kung gusto niya na dalawin siya ni Malia sa Amerika, okay, go. Ihahatid ko pa, basta ibabalik niya sa akin,” sabi pa ni Pokwang.