Advertisers

Advertisers

Wally at Jose, isang libo’t isang tuwa ang dinala sa Canada!

0 20

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

GALING kami nina Wally Bayola at Jose Manalo sa Canada para sa tatlong shows doon para sa mga Pilipinong naka-base sa Vancouver, Calgary at Saskatoon.

Produced ng Fireball Productions–Canada nina Loren Ropan at Rhodora Soriano, tatlong venues ang inikot nina Wally at Jose para sa kanilang The Jose and Wally Show Canada Tour 2024. Ang una ay sa South Hall Banquet Place, Vancouver noong March 27, 2024 na sinundan sa Rajveer Banquet Hall sa Calgary noong March 30 at ang pinakahuli ay sa TCU Place sa Saskatoon noong March 31.



Nakasama nina Jose at Wally sa kanilang concert tour ang bandang Pedro & The Hallowblocks na binubuo nina Pedro Busita, Jr., Jessie Leandro Pacatang, Ericson de Villa with the special participation of Paul Traqueña na drummer mula mismo sa Calgary.

Special mention din sa mga nag-asikaso sa amin ng bongga sa Canada, bukod kina Loren at Rhodora, kay Bonny Cayabyab.



Tinanong namin si Wally, saan siya mas enjoy, magpatawa o kumanta?

Aniya, “Magpatawa.
“Yung kanta kasi is, yung music is, hindi naman kami singer actually.”



On the contrary, marami ang nagugulat kapag naririnig na silang kumanta, na maganda pala ang singing voice nila ni Jose.

“Nagugulat din kami na, ‘Ay, hindi pala nila alam,” at tumawa si Wally, “na nagsi-singer-singer-an kami. Anyway iyon yun, parang nakakadagdag kasi something na favorite mo na ihahain sa iyo, ‘Ay, wow!’

“Na at the moment mga ganun, lalo na si Jose napakagaling mag-mix-mix ng mga songs.”

Nakakatulong din naman kasi na parehong talento sa komedya at pagkanta ang baon ng isang performer.

“Ibig sabihin kakaway ka lang at magpapiktyur, hindi naman puwede yun,” at muling tumawa si Wally.

“Sabi nga ni Jose yung mga dati na mga comedian o, naalala ko yung Mitch Valdez napakahusay nun! Kanta tapos chika. “Nanette Inventor kanta tapos chika.

“Nakaka-miss yung ganun.”

Pumasok ba sa isip ni Wally na pasukin ang pulitika balang -araw?

“Hindi,” pakli ni Wally. ”Kasi pag hindi ko naman talaga… lalo na pag hindi ko linya, hindi.”

Hiningan namin si Wally ng maipapayo niya sa mga baguhang artist o komedyante na nagsisimula pa lamang.

“Kung anuman ang tinatamasa mo na nung matayog na nararating just stay humble and respectful and iyon be patient din at magsipag.

“Andun na rin yung sakripisyo mo, ganun lang yun,” pagtatapos ni Wally sa aming panayam.

***

GAGANAP si Boobay sa kuwento ng sikat na drag performer na si Taylor Sheesh (o Mac Coronel sa tunay na buhay) sa bagong episode ng #MPK o Magpakailanman.

Konserbatibo ang mga magulang ni Mac kaya hindi siya ladlad sa mga ito. Paano kaya nakapasok sa mundo ng drag si Mac?

Ano ang naging buhay niya bago nag-viral bilang drag impersonator ng pop superstar na si Taylor Swift?

Abangan ang kuwento ng buhay ng drag perfomer na si Taylor Sheesh sa brand new episode na “Taylor Made Success,” April 13, 8:00 pm sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

May delayed telecast din ito sa GTV at Pinoy Hits, 9:45 pm.