Advertisers
DINAKIP ng Quezon City Police District – Drug Enforcement Unit (QCPD-DEU) ang isang abogado at isa pang indibidwal nang makompiskahan ng P1.373,600.00 halaga ng shabu sa buy buy-bust operation sa Quezon City.
Sa ulat kay QCPD Director, Brigadier General Redrico A Maranan, mula kay DDEU chief Major Wennie Ann Cale, kinilala ang nadakip na sina Atty. Camilo Montesa IV, 57 anyos, ng Brgy. Central Diliman, Quezon City; at Maria Victoria Balajadia, 39, ng Brgy. Pinyahan, Quezon City.
Ayon kay Cale, nakatanggap ang kanyang tanggapan ng impormasyon mula sa kanilang impormante kaugnay ng illegal drug activities ng mga naaresto sa bisinidad ng Masigla St., Brgy. Central Diliman.
Nang magpositibo ang impormasyon, ikinasa ng DDEU ang isang buy bust operation laban sa dalawa 5:25 ng umaga ng Martes, Abril 16, 2024.
Sa ulat ng DDEU, umaabot sa 202 gramo ng shabu ang nakuha sa dalawa, bukod sa isang black belt bag, weighing scale, cellular phone, at ang buy-bust money.
Nakatakdang kasuhan ang dalawa ng paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Quezon City Prosecutor’s Office. (Almar Danguilan/Ernie dela Cruz)