Advertisers
NASAWI ang isang mataas na opisyal ng Ministry of Social Services and Development-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at sugatan ang kasama nito nang tambangan nitong Miyerkules ng hapon sa Maguindanao del Norte.
Kinilala ang nasawi na si Christia Angela Aragoncillo, 27 anyos, Logistics Management Officer ng Bangsamoro Social Services Ministry; at sugatan ang kasamahan nitong si Norhana Ado.
Sa report ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, naganap ang krimen sa national highway na sakop ng Barangay Semba ng naturang bayan.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nabatod na habang minamaneho ni Aragoncillo ang kulay puting Toyota sports utility vehicle sakay si Ado nang tambangan ang mga ito ng armadong kalalakihan.
Pinuntirya ng mga salarin ang driver seat kungsaan tinamaan ang biktima sa ulo, habang nasapul ng ligaw na bala si Ado.
Kaagad tumakas ang mga salarin,habang dinala sa ospital ang mga biktima subali’t idineklarang patay si Aragoncillo.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyn sa krimen ang pulisya.