Advertisers
ARESTADO ang 28-anyos na babae nang makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P218 million sa isinagawang interdiction operation sa Pasay City, Miyerkules ng gabi
Kinilala ang naaresto na si Christine D. Tigranes ng 224 Don Manuel St. Balingasa, Quezon City.
Ayon kay Brig. General Dionisio Bartolome, direktor ng PNP-DEG, 8:30 ng gabi nang arestuhin ng mga elemento ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group si Tigranes sa People’s Air Cargo and Warehousing Co., Inc. (PAIRPAGS), NAIA Complex, Pasay City.
Inaresto si Tigrenes nang kunin ang padalang packages na machinery muffler.
Nasamsam ng mga operatiba ang mahigit kumulang na 32.13 kilos ng shabu na nakasilid sa 4 machinery mufflers. Narekober din ang BIR ID, National ID, Airway Bill no 176-88910964 at 1 Unit Realme 8i.
Sasampahan ng paglabag sa Section 4, Art. II ng Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.(Mark Obleada)