Advertisers
PATAY ang isang dating konsehal nang tagain ito ng kanyang dating empleyado sa Mabinay, Negros Oriental, Martes ng umaga.
Hindi na umabot ng buhay at idineklarang dead on arrival sa Medicare Community Hospital si Angelito Butoy Rosalem, 68 anyos, dating miyembro ng Sangguniang Bayan at residente ng Sitio Malasbalas, Barangay Lumbangan sa nasabing bayan.
Ayon sa report ng Mabinay Police, tumatahak sa national highway na sakop ng Barangay Paniabonan ang biktima lulan ng kanyang motorsiklo nang harangin at patigilin ito ni Angelito Estil Brigula, 43, 9:00 ng umaga.
Paghinto ng biktima, walang salitang pinagtataga ito ni Brigula gamit ang itak na pantabas ng tubo.
Naaresto naman ng mga awtoridad ang salarin.
Personal na galit ng salarin sa biktima sahi ng krimen.