Advertisers

Advertisers

MPBL referee sinapak sa astradome

0 70

Advertisers

NAGTAMO ng mga pasa ang isang professional basketball referee nang sapakin ng isang mataas na opisyal ng isang bayan sa Abra na sinundan pa ng ilang tauhan nito sa dugout ng Cuneta Astrodome, Martes ng gabi sa Pasay City.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Pasay City Police chief Colonel Mario Mayames, 10:30 ng gabi matapos ang laro sa pagitan ng Team Abra at Pasay Team, nagtungo na sa kanilang dugout ang mga referee kabilang ang 44-anyos na biktima.

Ilang sandali lang, biglang pumasok ang opisyal at agad sinapak sa kanang mukha ang biktima bago mabilis lumabas ng dugout.



Napag-alaman na nagwagi ang Team Pasay sa katunggaling Team Abra sa pagpapatuloy ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Sinamahan ng mga nakatalagang pulis ang biktima sa Pasay Police Sub-Station-3 para maghain ng reklamo laban sa naturang opisyal. Gayunman, base sa ulat, hindi na itinuloy ng referee ang reklamo matapos mag-usap ang magkabilang panig.



Kaugnay nito, lumalabas na hindi umano kabilang ang opisyal sa nanakit sa referee kundi ang mga bodyguard lamang nito.

Pero ipatatawag parin ng pamunuan ng MPBL ang nasabing opisyal upang ibigay ang kanyang panig sa insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">