Advertisers
NILINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na isang buwan ang ibinibigay niyang palugit sa mga e-bike, e-trike at iba pang kaparehong behikulo para makasunod sa bagong patakaran na nagbabawal sa kanila bumiyahe sa ilang piling kalsada sa Metro Manila.
Ayon kay PBBM, sa ganitong paraan ay masisiguro ang kanilang kapakanan at maging ang kaayusan sa mga lansangan sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ng pangulo, binigyan ng palugit ang e-vehicles upang maipaliwanag sa kanila ng maayos ang tungkol sa bagong rules na ito na ipinatutupad ng pamahalaan.
Dahil dito, ipinunto ng presidente na bawal munang isyuhan ng tiket, patawan ng multa at i-impound ang mga makabagong sasakyan sa loob ng isang buwan.
Mahalaga, aniya, na malaman o maipaalam sa e-vehicle operators ang bagong patakaran at kung paano sila mag-adjust, lalo pa’t mabigat din ang P2,500 na multang ipapataw sa kanila kapag mahuli ng mga awtoridad na bumibiyahe sa national roads. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)