Advertisers

Advertisers

PHP 218.4 -MILYON HALAGA NG SHABU NA , NASABAT SA BOC-PORT OF NAIA

0 51

Advertisers

ISANG babaeng claimant ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs matapos na madiskubre sa isang parsela ang humigit-kumulang 32 kilo ng shabu (methamphetamine ) na itinago sa loob ng ‘tambutso’ mula sa isang bodega ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ang kargamento na dinala sa Paircargo warehouse ay idineklara bilang “machinery muffler” na nagmula sa Zimbabwe at sumailalim sa mahigpit na profiling ng Customs Intelligence and Investigation Service at x-ray screening ng X-Ray Inspection Project of the Port, k9-dog sniffing at physical examination kung saan ay humantong sa pagkatuklas ng shabu na nakatago sa loob ng muffler.

Ang iligal na droga ay nagkakahalaga ng PhP 218,484,000 ( street value)



Sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), inaresto ang consignee at sasampahan ng kaukulang kaso para sa paglabag sa Customs Modernization Tariff Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act. .

Sinabi ni NAIA District Collector, Atty. Yasmin O. Mapa, ang tuloy-tuloy at pinalakas na seguridad sa Port of NAIA na kasalukuyang ipinapatupad sa paliparan ay nagresulta sa pagkakatuklas sa tangkang pagpuslit ng ilegal na droga sa bansa.



“This seizure represents the effective policies of the Bureau on border protection and underscores the effectiveness of the port’s customs officers.” Ani Mapa

Sa kabilang banda, pinapurihan ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang Port of NAIA na nagsasabing: “Ipinagpapatuloy natin ang ating kampanya para labanan ang ilegal na droga na pumapasok sa ating bansa, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pigilan ang paglaganap nito sa kapinsalaan ng ating mga kababayan. Ang pag-agaw na ito ay nagpapakita ng aming pinaigting na pagsisikap at dedikasyon.” (JOJO SADIWA/JERRY TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">