Advertisers
NAGING matagumpay ang isinagawang NCRPO Tactical Drone Operation Competition na ginanap sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City noong Martes, April 17,2024.
Pinangunahan nina NCRPO Deputy Regional Director for Operations PBGen Lex Ephraim C Gurat at DRDA PBGen Reynaldo Tamondong ang aktibidad sa ilalim ng malakas na pamumuno ni PMGen Jose Melencio Nartatez Jr.
Sinabi ni Captain Ian Michael C del Castillo, Division Head ,Aerial Works Certification and Inspection Division Under Flight Operation Department at kinatawan ni Captain Manuel Antonio Lara Tamayo, Director General ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na sa pamamagitan nang paggamit ng drone ay makikita ang skills ng kapulisan sa ibat-ibang types ng urban scenarios, pag-iwas sa mga obstacles dahil ginagamit na lang ang drones para sa surveillance.
“ Sa urban enviroment may mga building, may mga bahay na kailangan nilang i-maneuver so with a course like this that will give the necessary skills to their duties and mission for that day’.” ani del Castillo
Ang paligsahan ay nilahukan ng Limang Distrito ng Pulisya ng NCRPO at ng Regional Mobile Force Battalion na naglalayong ipakita ang pagiging epektibo at kahusayan ng mga Drone Operator sa pagsubaybay at o pagtugon sa kasalukuyan at hinaharap na mga operasyon ng pulisya at mga interbensyon sa kaligtasan ng publiko sa rehiyon.
Itinampok sa kaganapan ang paggawad ng mga medalya sa mga nanalo. Nagwagi ang Regional Mobile Force Battalion (RMFB) bilang Champion, Northern Police District (NPD)- 1st Runner-up, at Quezon City Police District (QCPD)- 2nd Runner-up. Gayundin, ang RMFB ay nagwagi bilang Best Team para sa Phase 1 at 2, habang ang QCPD ay nakakuha ng 3rd place para sa Phase 3, at parehong RMFB at QCPD ang nanalo ng Best Team para sa Phase 4.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong pagbutihin ang mga kasanayan ng mga tauhan ng Pulisya na nakatalaga sa iba’t ibang AOR’s sa pamamahala ng drone na lubhang kapaki-pakinabang. Ginagamit na rin ngayon ang mga drone sa hanay ng mga tungkuling Sibilyan at Pulisya, kabilang ang mga sumusunod: Search and Rescue, Surveillance, Traffic Monitoring, Weather monitoring, firefighting, Drone-based Photography, Videography, Personal na gamit, atbp.
Isa rin itong malaking bentahe para sa PNP habang patuloy na naglilingkod at nagpoprotekta sa kaayusan at seguridad ng mga mamamayan. (JOJO SADIWA)