Advertisers

Advertisers

Hanging bridge bumagsak: 15 estudyante sugatan

0 7

Advertisers

SUGATAN ang 15 estudyante nang mapatid ang kable at bumagsak ang tinawiran nilang hanging bridge sa isang ilog sa Manito, Albay, Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa report, papauwi na ang mga estudyante at tumatawid sa 100 metrong haba na hanging bridge sa Kamanitohan River sa Barangay It-ba nang bumigay ito at bumagsak.

Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng Manito Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine Coast Guard (PCG) Mobile Force na malapit ang mga himpilan sa lugar.

Apat sa mga biktima ang dinala sa ospital dahil sa tinamong malalalim na sugat.

Hindi kalaliman ang tubig sa ilog.

Ayon kay SFO4 Cicero M Ortinero, Officer-in-Charge, posibleng dahil sa kalumaan na ng hanging bridge ang dahilan ng pagbagsak nito.

May taas ito na 10 metro mula sa tubig at nag-uugnay sa barangay ng Cawit at mainland Manito.

Dahil sa insidente, bangka muna ang gagamiting pantawid sa mga residente na magseserbisyo mula 4:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.