Advertisers

Advertisers

PBBM, VP DUTERTE OKEY PARIN KAHIT ‘BAD SHOT’ SA FIRST LADY

0 13

Advertisers

HINDI apektado sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio sa mga banat at isyung ibinabato sa kanila o sa UniTeam.

Ito’y matapos kapwa dumalo sina PBBM at VP Duterte sa 45th PNPA Commencement Exercises sa Camp General Mariano Cas-tañeda, Silang, Cavite, Biyernes ng umaga.

Nangyari ito matapos isiwalat ni First Lady Liza Araneta-Marcos na ‘bad shot’ na sa kanya si VP Duterte dahil sa ginawa niyang pagtawa nang tawaging “bangag” ang punong ehekutibo.



Matatandaang kumalat ang alingasngas na wasak na ang UniTeam at may lamat na ang ugnayan nina Marcos at Duterte makaraang sabihin ng presidente kamakailan na “it’s complicated” ang relasyon niya sa mga Duterte.

Subalit sa PNPA event, kapansin-pansin na masayang nag-uusap at nagngitian pa sina Pangulong Marcos at VP Duterte, senyales na hindi nagpapatinag ang dalawang matataas na opisyal sa mga isyung ipinupukol sa kanila.



Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na mula panahon ng kampanya at hanggang ngayon ay hindi naman nagbabago ang kanilang relasyon ni VP Sara. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">