Advertisers

Advertisers

SUV nahulog sa bangin: 3 nasawi

0 19

Advertisers

NASAWI ang tatlong miyembro ng pamilya na taga-Candelaria, Quezon lulan ng Baguio-bound Sports Utility Vehicle (SUV) at tatlo ang sugatan nang mahulog sa bangin ang sasakyan sa may Marcos Highway sa Sitio Begis, Taloy Sur, Benguet, Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jonathan Marcuap, Jaspher Marcuap, at Rodolfo Marcuap, ama ng pamilya.

Ang ina ng pamilya Marcuap na si Kristel, 38 anyos, nagtamo ng sugat sa kanang binti, at kanyang mga anak na lalaki na sina Ian, 10; at Kieffer, 5, na nagalusan lamang sa kani-kanilang katawan ay pawang nakaligtas sa insidente.



Sa ulat ng Tuba Police, ang road mishap ay naganap 4:30 ng umaga, subalit naiulat sa kanilang himpilan makalipas ang isa’t kalahating oras.

Lumalabas sa imbestigasyon na natamaan ng Mitsubishi Montero SUV, ang sinasakyan ng pamilya Marcuap, ang isang road signage habang bumabagtas sa isang kurbada at nagtuluy-tuloy ito sa kabilang lane ng highway hanggang sa bumulusok sa may 100 metrong lalim ng bangin.