Advertisers
HINIKAYAT ni dating Senador Leila de Lima at ilang kongresista si Vice President Sara Duterte na magbitiw nalang sa kanyang puwesto bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Binigyang diin ni de Lima na dapat sumali nalang si VP Sara sa kanyang pamilya sa pagbatikos kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. o kondenahin ang anti-administration rallies kung nais niyang manatili bilang miyembro ng gabinete.
Ang pahayag ay ginawa ni de Lima matapos ang sunod-sunod na panawagan kay VP Sara na mag-resign bilang kalihim ng DepEd matapos itong batikusin ni First Lady Liza Araneta-Marcos na nagpahayag na: “Bad shot na sa akin yan!”
Ipinunto ni de Lima na tila namamangka sa dalawang ilog ang pangalawang pangulo.
Para sa dating senadora, malinaw din na ang loyalty ni VP Sara ay nasa kanyang pamilya na tahasang nambabatikos kay PBBM at kabilang sa mga sinasabing nananawagan para maalis sa puwesto ang punong ehekutibo.
Ilang mambabatas narin ang nanawagan kay VP Sara na magbitiw na sa gabinete ni Pangulong Marcos. (Gilbert Perdez)