Advertisers
NAARESTO at kusang loob na umamin sa nagawang krimen ang isang lalaki na pumatay ay gumahasa sa 11-anyos na babae sa Barangay Pangandao, Manukan, Zamboanga del Norte noong April 16, 2024.
Kinumpirma ng mga opisyal ng Manukan Municipal Police Station nitong Lunes na nakapiit na ang suspek na si Melvin Gumelok, 20 anyos, na natunton at naaresto sa isang liblib na lugar sa naturang bayan sa tulong ng ilang mamamayan.
Natagpuan ng mga residente ang bangkay ng biktima na si Janeth Falconite Upod, Grade 4 pupil ng Pangandao Elementary School, sa isang mababaw na hukay sa bakanteng lote sa Barangay Pangandao dalawang araw mula nang maiulat ng kanyang mga kamag-anak sa pulisya na nawawala.
Ayon sa Manukan MPS at sa Zamboanga del Norte Provincial Police Office, nahaharap na sa mga kaukulang kaso si Gumelok.