Advertisers

Advertisers

PASABOG NI ACE

0 155

Advertisers

HINDI mahilig tumayo sa anumang forum si Robert Ace Barbers, kinatawan sa Camara de Representante ng Surigao del Norte, kung hindi kailangan. Noong Sabado, dumalo at tumayo si Ace sa Saturday New Forum sa Dapo Restaurant sa Kyusi upang ibahagi ang kaalaman at obserbasyon sa pagpasok ng mga pinaniniwalaang ahente ng Tsina na nagpapanggap na “estudyante” umano upang magmatyag sa mga nangyayari sa bansa.

Umabot sa 6,000 ang bilang ng mga estudyante ng Tsina na nag-umpisang pumasok sa bansa ng naupo si Gongdi bilang pangulo noong 2016. Hindi nagbabago ang kanilang bilang kahit wala na sa Malakanyang ang kinikilang alipin ng Tsina sa bansa.

Ayon kay Ace, nakapasok ang mga Intsik sa bansa dahil sa maluwag na patakaran. Malaking bilang ang binigyan ng “visa upon arrival.” Pumasok sa sandaling lumapag ang eroplano mula Tsina at nag-apply ng visa sa DFA counter sa NAIA. Kagyat binigyan kahit hindi sila dumaan sa Pasuguan ng Filipinas sa Peking.



Maraming ahente ng Tsina na nagpapanggap na estudyanteng Intsik ang napunta sa Cagayan. Kinandili sila ng mga local officials tulad ng tinanggal ng gobernador ng Cagayan na si Manuel Mamba at alkalde ng Tuguegarao na hindi na namin babanggitin ang pangalan dahil sisikat lang. Malaking bilang sa kanila ang nagpanggap na nag-aral sa ilalim ng Programang “distance learning” ng Commission on Higher Education (CHED).

Ayon kay Ace, dahil hindi obligado na magpakitang pisikal ang estudyante Intsik sa programang distance learning, hindi malaman kung nasaan ang mga ito. Hindi sila mahanap ng mga awtoridad sa batas at edukasyon. Hindi malaman ng detalye ng kanilang galaw sa bansa.



Alalahanin na maliban sa Batanes, ang lalawigan ng Cagayan ang pinakamalapit sa Taiwan, ang isla na sa buong paniwala ng Tsina ay kanilang lalawigan. Walang batayan sa katotohanan ang paniniwala ng Tsina. Mula 1949, ang taon ng tumakbo ang Gumindang sa Taiwan upang itayo ang Republic of China on Taiwan, nabuhay ang Taiwan bilang isang malayang bansa.

Isa sa pinakamalagong bansa sa buong mundo ang Taiwan. Kinaiinggitan ito ng maraming bansa dahil sa mayabong na industriya at ekonomiya at malaking international reserves, isa sa pinakamalaki sa buong mundo.



Dalawang base ang pinili ng Estados Unidos upang maging base sa ilalim ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA), ang tratadong binuo ng dalawang bansa upang palakasin ang depensa ng Filipinas kontra sa paglusob ng mga dayuhan. Ito ang Naval Base Camilo Osias sa bayan ng Santa Ana at Lal-lo Airport sa bayan ng Lal-lo. Mayroon rin sa Camp Melchor dela Cruz sa karatig bayan ng Gamu, Isabela, ang katabing lalawigan ng Cagayan.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit praning ang Tsina sa pagpasok ng Estados Unidos sa bansa. Inupuan at hindi ipinatupad ni Gongdi ang EDCA noong siya ang pangulo dahil sa sobrang pagsipsip sa Taiwan. Nagbago ang lahat nang si BBM ang humalili sa kanya at walang nagawa ang Tsina at Gongdi sa pagpihit niya sa Estados Unidos.

Balik tayo kay Ace Barbers. Ani Ace, may 1,516 estudyanteng Intsik ang binigyan ng student visa, o tinawag na 9F Visa ang pumunta sa Cagayan, at naka-enrol sila sa St Paul University Philippines (SPUP). Nasa 400 ang nakita kahit naka-enrol sa distance learning program ang iba.

Ayon kay Ace, kung tama ang mga datos na isinumite ni Norman Tancingco, hepe ng Bureau of Immigration, at Prospero de Vera, hepe ng CHED, mahigit sa 1,100 estudyanteng Intsik na sumasailalim ng distance learning ang malayang umikot sa buong bansa. Kung mahuli at tanungin ng mga tauhan ng BI at CHED, wala silang gagawin kundi ipakita ang kanilang 9F Visa at makakalusot na sila, aniya.

Nakakagambala ang kasalukuyang sitwasyon, ani Ace. Hindi kontrolado ang mga estudyanteng Intsik na maaaring mga espiya, aniya. May implikasyon ito sa pambansang seguridad. Sino ang maysala? Sisihin si Gongdi.
***
PAHAYAG ni Commodore Jay Tarriela, spokesman ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea isyu:

The joint statement by the US, Japan, and the Philippines expressed serious concerns about China’s illegal and aggressive actions in the South China Sea and East China Sea. The statement specifically addressed China’s militarization of reclaimed features and unlawful maritime claims in the South China Sea.

It also objected to the use of Coast Guard and maritime militia vessels by China in the South China Sea, as well as any attempts to disrupt other countries’ offshore resource exploitation. The statement emphasized the concern over China’s repeated obstruction of Philippine vessels exercising high seas freedom of navigation and the disruption of supply lines to Ayungin Shoal, which are considered dangerous and destabilizing conduct.

Furthermore, the statement called on China to respect the ruling made by the Arbitral Tribunal on July 12, 2016, which determined that Ayungin Shoal is within the exclusive economic zone of the Philippines.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Imbes na magpakita (si Apollo Quiboloy) sa Senado o sa mga korte, panay record ng audio message na tila nang-iinsulto pa sa kakayanan ng gubyerno na matunton siya. This is appalling. This should not be allowed to pass, but only challenge government more to exhaust all means to restrict his movements.” – Sen. Risa Hontiveros na humingi na kanselahin ang passport ni Quiboloy

“Peking must know and feel tsunami of anti-China sentiment in the Philippines. Gongdi is not the Philippines. Peking should rethink policy on Philippines. “ – George Medina, netizen

“Gongdi’s attitude to China is like a woman, who, after being raped, marries her rapist. Nagpapasalamat siya at may utang na loob.” – PL, netizen, kritiko

***

Email:bootsfra@gmail.com