Advertisers

Advertisers

HULI ‘PAG WALANG LAMAN

0 52

Advertisers

MADALAS pa rin ang bida ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) maging nung Task Force na nanghuhuli ng mga pasaway sa ‘Edsa Busway’.

Subalit sa kanilang pagbibida ay ilang beses na rin sila mismo ang napapahiya gaya na lamang nang matalisod nila ang matikas na Gobernador Chavit Singson na umamin naman na mali ang ginawa ng kanyang drayber.

Linawin natin… pasahero lamang si Singson kaya wala siyang kasalanan pero upang lumaki ang istorya ay pangalan ng gobernador ang ginamit para nga naman bongga ang MMDA.



Nangako ang gobernador na magbibigay ng salapi bilang gantipala o pagkilala sa matapat na trabaho ng mga humuli sa kanyang behikulo nang gumamit ito ng ‘Edsa Busway’ na tinanggap naman ng MMDA.

Nang dahil sa pagbibida ng MMDA ay lumampas sa ‘guhit’ ang mga ito nang ipamalita na kanilang tinanggap ang salapi mula sa gobernador. Punto kasi ng Civil Service Commission (CSC) – BAWAL IYAN. Nalintekan na!



Kamakailan ay mayroon isang opisyal ng Department of Transportation (DoTr) ang pinayagan na gumamit ng naturang kalsada nang dahil sa ipinakita nitong ‘exemption’ mula raw sa DoTr.

Sa DoTr mismo na siyang nagbigay ng panuntunan kung sinu-sino lamang ang puwedeng gumamit ng naturang kalsada pero biglang may lumabas na ‘exemption’ anak ka ng ka ng ka ng…



Hindi man lang inilabas ng MMDA sa publiko ang pangalan ng ugok na opisyal na ito ng DoTr pero kapag mga simpleng mga motorista ang lumabag ay ginulpi na ng batikos sa ‘Social Media’.

Marapat lamang na ilabas ng MMDA o ng DoTr ang pangalan ng opisyal na ito nang masakluban ng timba sa ulo ng taumbayan tutal yun naman ang gustong ipamalas ng mga ahensiya na ito na wala silang sisinuhin sa polisiya na ito.

Ibinibida nila na may nahuhuli silang ambulansya dahil wala raw laman na pasyente. Wala pang laman kasi kukunin pa lang ang pasyente upang ihatid sa ospital pero hinuhuli ng mga ugok. Tama ba yun?

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com