Publiko inanyayahan ni Mayor Honey sa kauna-unahang ‘Wedding Expo’ ng Maynila
Advertisers
INANYAYAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang publiko na tangkilikin ang kauna-unahang ‘Wedding Expo’ ng lungsod sa Robinson’s Place , Ermita.
Ang nasabing expo, na tatakbo mula May 6 hanggang 10, ay pinangunahan ni Vice Mayor Yul Servo, permits bureau chief Levi Facundo at kinatawan mula sa Manila Civil Registry sa ilalim ni Encar Ocampo.
Sinabi ni Lacuna na ang expo ay nagpapakita ng mga lokal na talento at industriya na dapat na i-harnessed.
Ang expo ay may hamon din sa lokal na negosyante na ibigay ang kanilang best at paghusayin pa ang kanilang pagiging malikhain, dagdag ng lady mayor.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Facundo na ang nasabing expo ay nakalinya sa layunin ni Mayor Honey Lacuna na suportahan ang anumang lokal sa lungsod kabilang na ang restaurants at lahat ng klase ng establishments.
Pinasalamatan ni Facundo ang Robinson’s management sa pagpapahiram ng espasyo at sinabing matagal ng plano ang exhibit pero wala silang makitang lugar na akma para dito para umusad ang proyekto.
Ang mga exhibitors, ayon sa kanya ay lahat halos ay mga taga- Maynila, at idinagdag pa niya na inutos mismo ng alkalde sa Manila Civil Registry na maglagay ng booth sa lugar upang matulungan ang nangangailangan ng gabay para sa kanilang kailangan na marriage requirements
Sa kanyang bahagi, sinabi ni Servo na siya at si Lacuna ay palaging nakasuporta sa mga negosyo o entrepreneurs na nag-aalok ng lokal na produkto at serbisyo.
Itinatanghal ng expo ang mga establishments na nag-aalok ng wedding services tulad ng venues, clothings, makeup, wedding rings and paraphernalia, catering and souvenirs kabilang na ang photo booths at 360 degrees.
Binigyang diin ni Servo na maliban sa pagpi-feature ng mga nasabing eatablishments ng kanilang mga inaalok, ang expo ay para tumulong din sa mga ikakasal upang maging punong-puno ng ala-ala ang kanilang pag-iisang dibdib.
“Hindi lang kami nagpo-promote ng mga negosyong tumutugon sa mga kasalan, ngunit pinalalakas din namin ang isang kapaligirang naghihikayat sa pagkamalikhain, pagbabago at palikipagtulungan,” pahayag ng bise alkalde.
“Ang expo na ito ay isa ring pagdiriwang ng talento, simbuyo ng damdamin at dedikasyon ng lahat ng nagnanais makalikha ng di malilimutang araw para sa mga taong nais ipagdiwang ang kanilang pagmamahalan,” dagdag pa nito.
“Di lamang sila tutulong na ipagdiwang ang pag-ibig, pangako at bagong simula…ito ay pagdiriwang din ng talento, simbuyo ng damdamin at dedikasyon sa di mallimutang araw sa mga taong mag-iisang dibdib,” saad ni Servo. (ANDI GARCIA)