Advertisers
ARESTADO ang tatlong pekeng pulis sa pangingikil sa Cainta, Rizal noong Sabado.
Sinabi ng Region 4A Police na nalambat ng lokal na awtoridad ang nagngangalang “Ericsson”, “Daryl”, at “Rafael” sa isang entrapment operation sa Barangay San Andres 5:00 ng umaga.
Nag-ugat ang aksyon ng pulisya sa reklamo ng isang nagngangalang “Mr. Leal” na sinabi sa kanya ng mga suspek na nagpakilalang mga pulis, sa isang text message, na naaresto nila ang kaibigang si “Shin” dahil sa ilegal na droga.
Humingi ang mga suspek ng P8,000 kapalit ng kalayaan ni Shin at hindi pagkakadawit ni Mr. Leal sa drug case dahil nahuli umano si Shin na dala ang cellphone ni Mr. Leal.
Iniulat ito ng target victim sa mga pulis, at nagsagawa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Kasalukuyang nakaditene ang mga suspek, habang nakatakas si “Shin.”