Advertisers
NAGING madugi ang joint anti-drug operation sa Bongao, Tawi-Tawi Linggo ng umaga, kungsaan isang PDEA agent at isang high-value drug target ang napatay, habang tatlong miembro ng Philippine Marines ang nasugatan.
Nasawi si PDEA Intelligence Officer I Enfernie Jim Dayag, 29 anyos, bahagi ng PDEA-BARMM team na nagsagawa ng buy-bust operation sa Sitio Mapanbubu, Barangay Paniongan.
Ang drug target na si Jimhar Jawadil alias “Boss M,” dating Abu Sayyaf member na sumuko sa gobiyerno, ay napatay din sa palitan ng mga putok firefight. Isa pang kasamahan ni Jawadil ang nasawi, pero inaalam pa ang pagkaka-kilanlan nito.
Tatlong Marines naman mula sa Marine Battalion Landing Team 4 (MBLT-4) ang sugatan: Lt. Colonel Richard Malabanan, ang battalion commander; Cpl. Gideon Buenaventura at Cpl. Levie Lumay.
Si Malabanan ay nagkaroon ng tama ng bala sa ulo. Ginagamot siya ngayon sa hospital sa Zamboanga City.
Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa 256–270 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P1.836 million, mga baril na KG-9 submachine gun, M1 Garand, apat na .45-caliber pistols at daan-daang mga bala.
Ilang kasamahan ni Jawadil ang mga nakatakas sa bakbakan.
Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang mga nakatakas na sina Antonio Jawadil, Nasser Jawadil at Abon Jawadil at dalawa pang hindi pa nakikilalang kasamahan ng grupo. (Mark Obleada)