Advertisers
MARIING nanindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na kontra sila sa divorce law sa bansa.
Ayon kay CBCP spokesperson Fr. Jerome Secillano, ang nasabing batas ay isang pagtatakwil sa mandato nila na pahalagahan ang kasal at pamilya.
Tinawag pa nito na ang nasabing batas bilang anti-family, anti-marriage at anti-children.
Giit pa nito na ang divorce ay hindi solusyon sa pagsasama na nahaharap sa malaking hamon.
Mayroon aniyang mga remedyo sa mga pagsasama na may problema.
Matatandaang mayroong kabuuang 131 na mambabatas ang pumabor sa batas habang mayroong 109 ang kumontra habang 20 ang nag-abstain.
Giit ng mga mambabatas na pumabor sa batas na ito ay maiiwas sa mga pananakit sa mga kababaihan.