Advertisers
PINATATAG ng Colegio de San Juan de Letran ang kanilang coaching staff matapos hirangin sina Allen Ricardo at Willie Miller bilang mga head coaches ng men’s at junior’s basketball program, ayon sa pagkakasunod, para sa centennial season ng NCAA.
Ricardo, na hinawakan ang posisyon bilang interim basis nakaraang Pebrero, ay maging opisyal head coach ng Knights na ang layunin ay mabawi ang korona matapos mabigo sa Season 99.
Sa juniors division, ay pamumunuan ng 2-time PBA MVP Miller ang Squires matagumpay na ipinagtanggol ang kanilang titulo laban sa perpetual Junior Altas nakaraang taon.
Bukod sa dalawang appointment, dating Letran star Rey Nambatac at Kevin racal ay dinagdag sa coaching staff ng Letran.
Tutulungan ni Nambatac si Ricardo habang ang kanyang ex-teammate Kevin Racal ay sasamahan si Miller sa coaching staff.
Ang Knights ay babanderahan ng key players Kobe Monje,Paolo Javillonar, at Deo Cuajao, at ang kanilang bagong dagdag Titing Manalili, na naglaro sa Letran juniors kasama ni Andy Gemao.
Samantala, ang Squires, ay pamumunuan nina Marbel, Koronadal very own Syrex Silorio ang Letran sa kanilang three-peat championship bid.