Advertisers

Advertisers

GOV. REMULLA, PAMATO NINA ALYAS HERO AT RICHARD SA KOLEK-TONG?

0 2,133

Advertisers

NASUSUONG sa kontrobersiya si Cavite Governor Junvic Remulla dahilan sa malisyosong pagdadawit sa kanyang malinis na pangalan sa umano’y illegal activities ng POGO (Philippine Offshore Gaming Operation) bilang dating nagmamay-ari ng pamosong Cove Island sa lalawigan?

Sa mga tinatawag na millennial generation at sa mga hindi nakakaalam ng tungkol sa Cove Island sa bayan ng Kawit, na isang 1st Class na munisipalidad sa lalawigan ng Cavite, ito ay napasakamay ng mga Remulla nang mabili ang 36-hectare land na ito ng dating Gov. Juanito “Johny” Remulla noong 1970 at ginawang Covelandia Resort na binuksan noong 1976.

Ang Covelandia ay pinakasikat na resort sa panahong iyon ay huminto ang operasyon ng 2018 matapos na ibenta ng pamilya Remulla ang island sa grupo ng mayayamang Chinese Nationals at kalaunan ay ginawang sentro ng POGO operation na planong imbestigahan ng kongreso dahil sa umano ay ginagawang ilegal na aktibidad doon.



Ang kontrobersyal na lumulutang hinggil sa POGO Island ay lumabas sa kasagsagan ng ginagawang imbestigasyon ng Senado ukol kay Bamban, Pampanga Mayor Alice Gou na may kinalaman sa isyu ng POGO sa kanyang bayan na nauna nang ni-raid ng government forces dahil sa illegal activities.

Batay sa ulat ng Presidential Anti Crime Commission o PACC na pinamumunuan ni Ret. Police Major General Gilbert Cruz, ang naturang POGO sa bayan ni Mayor Gou ay natagpuang sangkot sa ilegal aktibidad tulad ng gambling, human smuggling, drug trafficking ay kanlungan din ng mga halang ang kaluluwang mga puganteng Intsik na ginagawang sentro ng kanilang gawaing kriminal ang bansa.



Kasabay ng mga ulat tungkol kay Mayor Gou at POGO sa Bamban ay lumalabas din sa social media na ang POGO operation sa Cove Island na isinasabit si Gov. Remulla sa operasyon doon na mahigpit namang pinabulaanan ng naturang Cavite top provincial executive.

Nag-alok pa ng tumataginting na PHp 10M sa sinumang makapaglalabas ng ebidensya sa haka-hakang pagsasangkot sa kanya sa nasabing POGO operation sa dating malawak na lupain ng mga Remulla.



Ngunit alam na kaya ng butihing gobernador na ang kanyang pangalan ay kinakaladkad at ginagamit ng isang alyas Hero at Richard M. sa pagpapatakbo ng kanilang mga saklaan na front pa ng shabuhan sa mga bayan ng Amadeo, Maragondon, Magallanes, Bailen, Naic, Dasmariñas at Bacoor? Poste nina alyas Hero sa kanilang mga saklaan ang pekeng NBI agent na isang alyas Elwyn, alyas Sgt. Lago, Maricon at iba pang indibidwal na sangkot din sa bentahan ng droga.

Ipinagyayabang ng “kapustahan” (police tong collector) ding sina alyas Hero at Richard M. na ang mga puesto pijo na sakla den at saklaan sa mga sabungan ng Cavite City, Ternate at Noveleta lamang ang kanilang pinangangasiwaan.

Kumbaga sa larong kalye at pambata ay ginagawang pamato nina alyas Hero at Richard M. ang pangalan ni Gov. Remulla sa kanilang pag-ikot sa mga vice den at dinadampot ang nauukol para daw sa butihing gobernador upang hindi kuno magalit ito at maging pulido ang operasyon ng lahat ng mga kausap nilang mga vice lord.

Kabilang sa mga kinokolektahan ng mga ito ng protection money ay isang alyas Jun Toto ng Dasmariñas City at alyas Nita Kabayo na nag-ooperate ng lotteng at EZ 2 bookies sa halos lahat na bayan at siyudad sa Cavite.

Bukod kay Gov. Remulla, ipinangongotong din nina alyas Hero at Richard M. sina PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, Criminal Investigation and Detection Group Director MGen. Leo “Paco” Francisco, Region 4A PNP Director Paul Kenneth Lucas at ganun din ang mismong Cavite PNP Provincial Director Col. Eleutero Ricardo Jr.?

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144