Advertisers
NANAWAGAN na ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na alamin ang lahat para sa pagkawala ni Bae Bibyaon Bigkay, ang lider ng Ata Manobo Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs).
Maging si Datu Bawan Jake Lanes, Executive Director ng Mindanao IP Council of Elders, ay bingyang diin ang kahalagahan ng paghahanap kay Bibyaon upang kahit papaano raw ay mabigyan ito ng pagpaparangal na naaayon sa kultura ng tribung Ata Manobo.
“Patay na ba talaga si Bae Bibyaon Bigkay o buhay pa. Kung patay na, nasaan ba ang kanyang katawan?,” ang kanyang pagtatanong.
December 2023, napabalitang pumanaw na raw si Bibyaon, at ang balitang iyan ay nanggaling sa Save Our Schools (SOS) Network. Alam naman niyo siguro kung ano ang network na tinatawag na yan. Yan ay kaalyadon ng mga komunistang-terorista.
Eto ang mamingat, nangongo na tuloy ako. Wala kasing konkretong ebidensiya ang ibinalita ng SOS Network. Kaya nanawagan ang NCIP na masusing imbestigasyon.
Sa kabilang banda, si Rurelyn Bay-ao, pinsan ni Bibyaon na dating CPP member na noong una ay umaaktong translator ng nawawalang IP lider, ay umapela na din, saoagsasamantala at paggamit ng CPP-NPA-NDF sa nga katutubo o’ mga indigenous people, partikular na ang kanilang tribu.
Isiniwalat ni Rurelyn ang pananamantala ng mga damuho sa kanila, ang paggamit sa mga IP para sa fundraising o’ pangngalap ng pondo ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, na di naman sila binabahaginan.
“Malinaw na malinaw po na kahit patay na si Bae Bibyaon, gusto pa rin nilang pagkakitaan. Tapos yung mga income pala ni Bae Bibyaon na para sa kanya ay wala, kahit binigyan man lang yung family, wala talaga. Grabe lang yung galit, kung pwede lang sana gumawa lang ng _pangayaw_, ginawa na namin,” pagdiriin ni Rurelyn.
Damuho talaga ang mga ito. Di lamang naman si Bae Bibyaon sng ginawan nila nang ganyang pangbababoy, maging ang ating mga kabataan ay sinasamantala nila ang mga murang isipan, papaniwalain sa mali nilang idelohiya at gagawing mandirigma sa kanilang pakikipaglaban at tangkang pang-aagaw ng pamahalaan.
Kung sino man ang may impormasyon sa inyo ukol sa pagkawala ni Bae Bibyaon Bigkay, ang lider ng Ata Manobo, bukas ang pitak na ito, upang di lamang mabigyan hustisya ang kanilang tribu, kung di papanagutin ang may kagagawan nito.