Advertisers
Sana All! Ito ang naging opinyon ng ilang mga nakasaksi at nakakita sa bonggang 70th birthday party ni Caloocan 1st District Cong. Oscar “Oca” Malapitan na ayaw magpakilala kung saan ginanap ito sa mamahaling Solaire Resorts GRand Ballroom nakaraan.
“Tila hindi alintana ang hirap ng bansa. Sobra para gumastos ng milyones…” pahayag ng isang nakasaksi sa birthday party ni Cong. Malapitan. Anya, sa dami ng problema ng bansa, sa hirap ng buhay upang makabili ng bigas, sana daw ay namigay na lang ito sa mga nasasakupan ng bigas.
Naging panauhin din ang matataas na opisyal gaya nila Sen. Imee Marcos, House Speaker Romualdez at iba pang mga sikat na pangalan sa bansa.
Sinabi di naman ng iba na karapatan nito dahil ito ay 70th birthday o pera naman nito o nang pamilya ang ginastos.
Matatandaan na nadawit ang pangalan ng mambabatas sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong 2013 para sa “misuse” ng pondo nito na aabot umago sa P8 milyon. Kung saan noong taong 2015, sinampahan ng criminal case ng Office of the Ombudsman kasama ang ilang opisyales ng DSWD.
Sa sumunod na taong 2016, kung saan ito ay naging Alkalde, naharap naman ito sa kasong plunder and graft complaint para sa overpriced na birthday gift packs para sa mga Senior Citizens sa Caloocan. Tinataya sa P49 million ang naging usapin na pera ngunit ito ay na dismissed din kinalunan.