Advertisers
WALANG kikilingan ang Police Regional Office 11 sa ilalim ng itinalagang bagong director na si Brigadier General Nicolas Torre III kaugnay sa kaso ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Torre, tatratuhin ng Davao Region Police si Pastor Quiboloy, na humaharap sa mga kasong sexual at child abuse at human trafficking, ng kapareho sa iba pang mayroong outstanding arrest warrant.
Sinabi din ng heneral na parte ng kaniyang trabaho bilang regional police chief ang manhunt operations para sa lahat ng wanted persons.
Inihayag din ni Torre na gagawin niya ang kaniyang trabaho ng patas at ng may hustisiya para sa lahat.
Kung maaalala, nagkaroon ng balasahan sa liderato ng Davao region police simula nang magkasa ng mga operasyon noong nakaraang linggo para isilbi ang arrest warrants kay Quiboloy na nagresulta sa pagkakasibak ng PRO 11 chief at 12 iba pang police personnel.