Advertisers
WALANG batayan na tawaging oposisyon si Sara. Hindi siya oposisyon. Tama ang sabi ng mga kaibigan – pumuposisyon lang si Sara. Tama ang mga kaibigan sa kanilang sinabi na ang tunay na oposisyon ay ang alyansa na pinangungunahan ni Risa Hontiveros.
Si Risa ang nagtrabaho at naghirap upang buhayin at bigyan ng mukha ang mga demokratikong mandirigma kontra sa mga grupo ng awtoryanismo kasama ang grupo ng mga taga-Davao City sa pangunguna ni Gongdi at Sara. Walang ginawa si Sara kundi huthutin ang salapi ng bayan sa kanyang confidential at intelligence fund. Tama ang ginawa ng Kongreso. Inalis sa kanya ang pondo upang hindi manakaw, maubos, at maabuso.
Hitik sa mga dahilan ang pagbibitiw ni Sara sa pinakamalaking ahensya sa burukrasya. Bukod sa mahina si Sara at hindi kakayanin ang gawain bilang kalihim ng Deped, hindi siya edukador at totoong mabigat ito para sa kanya dahil hindi siya edukado, may mga nakatagong kahulugan ang kanyang pagbibitiw.
May kinalaman ang kanyang pagbibitiw sa napipintong pagbaba ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi, Bato at iba pang kasapi ng sindikatong Davao City na may kinalaman o sangkot sa madugo pero bigong digmaan kontra droga ni Gongdi at mga kaalyado.
May balita kasi kami na bababa ang arrest warrant sa katapusan ng Hunyo o kalagitnaan ng Hulyo. Hindi nila mapipigil iyan. Kasama sa plano ni Gongdi ang destabilisasyon upang hindi maipatupad ang arrest warrant.
Gagawa na gulo si Gongdi sa Luzon at kahit sa Davao City upang mapigil ang pagdakip sa kanya na puwersang internasyonal na tatawagin ng ICC upang ipatupad ang arrest warrant. Posibleng magpatawag si Gongdi ng people power sa Davao City bagaman may malaking duda kung lalabas ang mga taga-Davao City upang ipagtanggol ang kilalang mamamatay tao.
May mga balita kaming nakalap na mayroon hindi tuwirang alyansa si Gongdi sa Tsina na may plano umano magpadala ng armadong sundalo upang pangalagaan si Gongdi. Sa tingin namin, maaaring ilipad si Gongdi sa Peking upang bigyan ng political asylum. Tanging ang China ang sumusuporta kay Gongdi.
Hindi makakapunta si Gongdi sa ibang bansa dahil malamang na dakpin siya doon kung kasama sa Rome Statute ang bansang pupuntahan niya.
***
NAKIPAGBUNO ang mga sundalong Pinoy sa mga sundalong Intsik nang harangin sila sa mga resupply mission. Nakipaglaban sila. Ngunit marami ang mga Intsik at mayroon silang malalaking sasakyan pandagat. Hindi nagapi ang mga sundalong Pinoy kahit may nasaktan sa kanila. Hindi umurong ang mga Pinoy.
May pahayag ang National Task Force for the West Philippine Sea. Pakibasa:
Today, the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine Coast Guard (PCG) conducted a routine rotation and resupply (RoRe) mission to BRP SIERRA MADRE (LS 57) at Ayungin Shoal. However, the mission was disrupted by the illegal and aggressive actions of Chinese maritime forces.
The People’s Liberation Army-Navy (PLA-N), China Coast Guard (CCG) and Chinese Maritime Militia (CMM) vessels engaged in dangerous maneuvers, including ramming and towing. Despite the illegal, aggressive, and reckless actions by the Chinese maritime forces, our personnel showed restraint and professionalism, refrained from escalating the tension, and carried on with their mission.
We strongly condemn the illegal, aggressive, and reckless actions of the PLA-N, CCG, and CMM. Their actions put at risk the lives of our personnel and damaged our boats, in blatant violation of international law, particularly the United Nations Charter, the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) and the 2016 Arbitral Award.
The Philippines is committed to pursuing peaceful and responsible actions in accordance with international law. It is our expectation that China, as a member of the international community, would also do the same.
The AFP and PCG remain steadfast in upholding Philippine sovereignty, sovereign rights and jurisdiction in the West Philippine Sea.
***
MGA pahayag tungkol sa pagbibitiw ni Sara:
“An unnamed netizen made a sparkling comment on Sara’s resignation: ‘She has finally made an educated decision.’” – PL, netizen, kritiko
Sara resigning CANNOT mean that she has assumed the post of leader of opposition.
“Sara and the Davao Group can never be the genuine opposition. They never oppose based on principles, but rather solely on selfish interests. Baka lead destabilizer, hindi leader of opposition.“ – Dino Singson de Leon, netizen, kritiko
“Quitting was perhaps her greatest contribution to the education sector. Shukran.” – Christian Esguerra, journalist
“Ano itong pinagsasasabi ni Roque na lider si Sara ng oposisyon. Excuse me, lider nyo yan sa POGOsisyon” – Cielo Magno
***
Email:bootsfra@gmail.com