Advertisers
Nagsagawa ng inspeksyon si Senador Sherwin Win Gatchalian sa na raid na POGO hub sa Porac Pampanga na may 46 na gusali kasama ang PAOCC at CIDG.
Naunang pinasok ni Senador Gatchalian ang isang gusali na makikita ang ilang military uniform ng People’s Liberation Army ng China kung saan ayon sa otoridad isang dating miyembro ng Chinese Police ang isa sa mga naaresto sa na raid na POGO.
Sa naturang gusali rin ipinakita ang mga kagamitan na ginagamit sa pang torture ng mga biktima ng kidnapping at mga hindi sumusunod sa mga ipinagagawa sa kanila.
Sa ikalawang gusali na pinasok ni Senador Gatchalian sinalubong ng masangsang na amoy ang mga mamamahayag na tila may mga patay na daga ang naturang gusali kung saan matatagpuan ang ilang kwarto na ginagamit sa love scam na mayroon ng kama .
Dun din matatagpuan ang ilang mga gadget na ginagamit sa ilegal na operasyon ng naturang POGO.
Pinasok rin ni Gatchalian ang ilang gusali kung saan mayroon ng mga bar at mga prostitusyon den ang naturang lugar.
Sinabi ni Gatchalian sa tatlong POGO Hub na kanilang na inspeksyon sa Pasay at sa Bamban Tarlac kung saan ng POGO hub Porac Pampanga ang pikamalaki ang operasyon kung saan umaabot sa 2,000 katao ang mga empleyado nito.
Iginiit din ni Gatchalian na dapat na suspindehin ang alkalde ng Porac Pampanga nasi Mayor Jaime Capil dahil sa pagpapabaya na lumaki ang operasyon ng illegal na POGO sa kanyang nasasakupan.
Hindi kinagat ng senador ang katuwiran ng alkalde na hindi pinayagan na makapasok noon sa POGO ang lokal na pamahalaan para makapag inspeksyon.
Iginiit ni Gatchalian yun hindi pagpayag ng POGO na makapasok ang LGUs ay red flag na upang ireport ito sa otoridad.
Dagdag pa ng senador na iisa ang mastermind sa likod ng ilegal POGO sa lungsod ng Pasay, Bamban Tarlac at sa Porac Pampanga. (CESAR MORALES)