Advertisers

Advertisers

Luis ipinapasa sa anak na si Peanut ang natutunan sa parents na sina Vilma at Edu

0 13

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

LAHAT ng natutunan ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano sa mga magulang niyang sina Star for All Seasons Vilma Santos at Edu Manzano ay napakinabangan na niya ngayon para sa anak niyang si Peanut.

Kumbaga, yung mga natutunan niya sa mga magulang at na-experience niya mula sa mga ito ay naia-apply niya ngayon sa panganay na anak.
Isa na raw yung pagiging affectionate at malambing na daddy na ipinaramdam din sa kanya noon nina Ate Vi at Edu.
Bilang first-time tatay, bawat minuto ay mahalaga para kay Luis pagdating sa pagpapalaki at pag-aalaga sa baby nila ni Jessy Mendiola.
Ayon pa kay Luis ay hands-on parents sila ng asawang si Jessy pagdating kay Baby Peanut.
Sa totoo lang naman, unang buwan pa lamang ni Baby Peanut sa mundo at sa tuwing ilalabas sa vlog ng mag asawa ay may mga nagko-comment,



Bakit ‘I love you nang I love you si Luis?’
“So parang du’n ko na-realize oo nga no, na I always say, ‘I love you Peanut, I love you anak,’” sabi pa ni Luis.
“Yun kasi ang nakikita ko, my dad (Edu) and I, we hug, we kiss, si Tito Ralph (Recto) din naman you can see how intense his love is for Peanut.
“So it was never something siguro na I consciously got from Mommy (Vilma), Daddy, from Tito Ralph. It was more of that environment that I grew up in so iyon ‘yung automatically napapasa ko kay Peanut,” pag amin pa ni Luis.

Inilahad pa ni Luis na ang “biggest fear” daw niya bilang ama; “Ako naman bilang ama ang reality of not being able to provide. Hindi ko kailangang magbigay ng sobrang rangyang buhay, it’s not me, it’s not Jessy, and it’s not something for Peanut,” sey pa ng premyadong TV host.
“We just want a comfortable life na happy kami, happy ang mga tao sa paligid and nakakakain naman kami. I guess that’s the biggest fear for me, one, especially na bata pa si Peanut,” lahad pa ng Kapamilya TV host.

Banggit pa ni Luis na lumaki raw si Peanut na hindi siya magiging blessing sa ibang tao.
“Sabi ko naman for you to be a blessing to other people, a common misconception is people always believe that it’s always monetary, na kailangan for you to be able to be a blessing kailangan lagi kang nagbibigay,” sambit pa ng TV host at aktor.
“When you say being a blessing means you just make life easier for so many people. Iyon ‘yung fear ko na hindi ma-instill kay Peanut as a father” dagdag pa niya.

At bilang tatay, gusto ni Luis na lumaking mabuting anak si Peanut.
“Para sa akin naniniwala ako na lahat tayo nagkamali na in one point.
“Lahat ng mga anak natin magkakamali pa rin at one point. But you always hope and pray that you raised them well enough na ‘yun ang babalikan nila, ‘yung core na iyon na pagpapalaki na kahit mapaligiran sila ng whatever temptation, day in and day out, they will always fall back on how you raised them,” seryosong lahad pa ng nag iisang Luis Manzano.

***
SHAINA EASY LANG ANG ROLE SA ‘PAMILYA SAGRADO’
GABI- gabi na nating napapanood sa TV5 ang “Pamilya Sagrado” na pinagbibidahan ni Piolo Pascual kasama sina Kyle Echarri, Grae Fernandez, Mylene Dizon, Rosanna Roces, Aiko Melendez, Tirso Cruz III, Joel Torre, John Arcilla at Shaina Magdayao.
Kakaiba sa mga dating role ang ginagampanan dito ni Shaina. Si Shaina si Grace Malonzo.
“It’s very special. It is a privilege to share a frame with some of the industry’s greats na very respected. Mahihiya ka na hindi maging professional.
“Hindi lang ‘yung mga bago ‘yung natututo at nai-inspire kundi pati ‘yung mga ate sa industriya katulad ko. Nakaka-inspire to work kasi lahat pinaghahandaan ‘yung script.
“‘Pag matagal ka na sa industriya, medyo marami ka nang roles na nagawa. But it’s the collaboration. That is what makes it unique.



“First time na nagkasama-sama kami lahat dito which is why this show is very special and the best,” pagmamalaki pa ni Shaina sa role niya sa “Pamilya Sagrado”
Ayon kay Shaina, sina Joel at Kyle daw ang madalas na kaeksena niya sa serye.
Naging madali na para sa aktres ang trabaho dahil nakasama na sa magkaibang proyekto noon ang dalawang aktor.
“Usually, nagsisimula tayo ng isang trabaho ini-effort mo talaga na magkaroon kayo ng chemistry, mas lalo na kapag pamilya. Nakatrabaho ko na si Kyle before so nagkaroon na kami ng bond noon, as well as Tito Joel. So, it was effortless. ‘Yon ‘yung magic, ‘yung chemistry na hinahanap nila.

“I’m very fortunate na hindi ko kailangang trabahuhin talaga, organic na lang. They’re all very generous characters. Kapag nasa harap kami ng camera hindi mahirap magbigay. Kasi sobrang generous nila magbigay as co-actors, “ sambit pa ni Shaina.
Habang kinukunan daw ang mga eksena ay hindi raw naman nahirapan si Shaina
“It was very heartwarming,” banggit pa ng magaling na aktres.