Advertisers

Advertisers

Bilyonaryong iligalista ang nasa likod ng ‘missing sabungeros’

0 5,244

Advertisers

NANG pumutok ang pagkawala ng 34 sabungero noong panahon ni ex-President Rody Duterte kungsaan talamak ang online sabong, illegal POGOs at naghahari-harian ang Chinese drug lords sa bansa, iisa lang ang nasa isip ng marami kung sino ang nasa likod nito, walang iba kundi ang Filipino-Chinese na naging bilyonaryo sa mga iligal na sugal, ang “lover” ng hiwalay sa asawa na mga artista.

Oo! Tiyak ko alam n’yo na kung sino ang tinutukoy ko. Pero wala pang solidong ebidensiya na magtuturo na siya nga ang nasa likod ng pagkawala ng mga “mangtsu-tsupi” sa sabu-ngan.

Pero kapag nagtanong kayo sa mga sabungero, isang tao lang ang binabanggit nila na posibleng siyang may gawa sa pagkawala ng naturang mga sabungero.



Ayon sa lumutang na isa sa mga suspek, na nagpakilalang si alyas “Totoy” na dating sekyu sa Manila Arena, gusto na niyang maging testigo dahil binabagabag na raw siya ng kanyang konsensiya at nangangamba narin siya sa kanyang buhay, ang missing sabungeros ay mga patay na, sinakal daw ng tie wire at nilagyan ng sandbags bago inihulog sa Taal Lake.

Kasama raw sa mga dinukot at pinatay na sabungero ang dalawang menor de edad na taga-pakain ng mga manok. Nagka-taon daw kasi na sumama ang dalawang bata sa kanilang amo sa sabungan nang dukutin ang mga ito.



Kuwento ni Totoy, bago patayin ang naturang mga sabungero ay kinakausap muna ang mga ito, tapos ipasa sa ibang grupo na silang magsasagawa ng executions.

Ang mga isiniwalat na ito ni Totoy ay narinig ko narin sa ilang sabungeros, na sumasali o nag-e-entry noon sa online sabong.



Ang 34 nawawalang sabungero, ayon kay Totoy, ay inabangan paglabas ng sabungan sa Manila Arena sa Sta. Ana, Manila, at sa Laguna.

Maliban sa mga sabungerong inilibing sa Taal Lake, mayroon pa raw drug lords na inihulog dito.

Hindi binanggit ni Totoy kung sino ang nag-utos sa kanila para dukutin at patayin ang naturang mga sabungero. Pero binanggit na raw niya ito sa kanyang affidavit.

Nakarating na sa Department of Justice, National Bureau of Investigation, at kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre ang mga isiniwalat na ito ni Totoy. At sini-guro nilang bibigyan nila ito ng proteksyon kapag napatuna-yang may katotohanan ang mga sinabi nito.

Ayon kay DoJ Secrretary Boying Remulla, ipasusuyod niya ang Taal Lake para malaman kung totoong may mga inihulog ditong mga bangkay.

***

Sinabi ni Sen. Bato Dela Rosa, ang PNP Chief noong mawala ang naturang mga sabungero, alam niya ang kasong ito pero wala raw ebidensiya para dakpin at kasuhan ang itinuturong nasa likod ng krimen.

Ganito naman si Bato eh…puros denial lalo kung napapa-kinabangan o mga “bata” niya ang sangkot.

Oo! Noong panahon nila Digong at Bato, ang lahat ng iligalista ay libre mag-operate basta sa tamang “usapan”. Ang mga nadadale lamang noon ay ang mga karibal ng kanilang mga “bata”. Mismo!

Kaya malapit sa katotohanan ang lahat ng isiniwalat ng uma-ming dating “hitman” ng Davao Death Squad (DDS) na si Arturo Lascanas at Edgar Matobato. Ang dalawang ito ay kabilang sa mga testigo ng International Criminal Court (ICC) laban kina Digong at Bato. Tuldukan!