Advertisers

Advertisers

BABAE, TODAS SA RIDING IN TANDEM SA TAYTAY RIZAL!

0 19

Advertisers

TODAS ang 55-amyos na ginang ng pagbabarilin ito ng back rider ng “riding in tandem” habang naglalakad kamakalawa ng hapon sa Taytay Rizal.

Sa ulat ng Taytay PNP, dakong 5:30 ng hapon naglalakad ang biktima sa kahabaan ng J.P. Rizal St., Rizal TechnoPark, Brgy. San Juan sa lugar.

Nnag biglang huminto ang motorsiklo sakay ang 2 suspek, dito bumunot ng baril ang back rider at pinagbabaril ang biktima na naisugod pa sa ospital ngunit ideneklarang dead on arrival.



Blangko pa din ang mga awtoridad sa pagkakilanlan NG mga suspek at motibo sa krimen.

Habang nagsasagawa ng back tracking sa mga CCTV camera sa lugar at interview sa pinangyarihan ng krimen ang awtoridad para maresolba ang kaso ng pagpatay. (Edwin Moreno)