Advertisers
MALINAW ang direksyon ng gobyerno ni BBM: Hindi papopormahin ang mga kandidato ng Tsina sa 2025. Hindi magiging palabigasan ng mga kandidato na suportado ng Tsina ang mga naglipanang POGO ang mga kandidato na hinahinalang nasa Tsina ang katapatan. Uubusin ang mga Makapili at traydor sa bansa. Ito ang dahilan kung bakit pinipilay sila.
Hindi tanong kung patatalsikin ng bansa o mananatili dito ang mga POGO. Ang malinaw ay mawawala sila sa kontrol at impluwensiya ng grupong abusado mula sa Davao City. Hindi makapangingibabaw ang mga Duterte sa 2025. Uubusin sila upang maging kasaysayan na lang. Hindi sila makakapaglunsad ng sariling mga kandidato sa 2028.
***
INUMPISAHAN ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at mga kasamang ahensya ng gobyerno ang pagwasak sa mga POGO sa taong ito. Naglunsad ng tagumpay na raid ang PAOCC at kasamang ahensya noong Marso sa POGO hub sa bayan ng Bamban sa Tarlac kung saan isinara ang mga POGO at ibinisto si Alice Guo, alkalde ng Bamban, bilang pangunahing tagatangkilik ng mga POGO doon.
Ibinisto si Guo bilang isang pekeng Filipino. Intsik si Guo at hindi niya ito maipagkaila. Hindi niya mapatotohanan na isa siyang tunay na Filipino. Kasalukuyang gumugulong ang proseso ng batas. Maghaharap ng iba’t ibang sakdal ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng Office of the Solicitor General upang maaalis siya sa puwesto at tuluyang pilayin.
Kung saka-sakali, maari siyang ipatapon sa Tsina, o ikulong dito sa salang panlololoko at iba-iba pang krimen. Mabubungi ang pangil ni Guo upang impluwensiyahan ang 2025. Hindi niya masusuportahan ang mga kandidato ng Tsina dahil wala siyang pera ipanustos sa kanilang kandidatura. Mistulang lumpong pato siya sa 2025.
Tagumpay ang raid noong Hunyo ng PAOCC sa POGO complex sa bayan ng Porac sa Pampanga at kahit ang POGO hub sa Angeles City. Naisara ang Lucky South 99, ang pinakamalaking POGO doon, at iba pang POGO nakabase doon. Naisara rin ang 100 ektarya ng POGO compound sa Porac na mayroon 46 gusali na pawang pag-aari lahat ng Whirlwind.
Hindi na makakapangikil si Harry Roque sa mga POGO doon. Hindi namakakahingi na iba’t ibang pabor sa kanila tulad ng libreng pabihaye sa kanyang dating executive assistant. Kahit ang mga kandidato na suportado ng Tsina at mga Duterte ay hindi na makakahingi ng pondo para sa kanilang kandidatura. Mawawasak at mawawala ang kanilang network.
***
SAMANTALA, tuloy ang debate sa publiko ng iba’t-ibang pulitiko kung mananatili o patatalsikin sa bansa. Iba’t-ibang katwiran ang inilatag sa bansa. Hindi importante ang sagot sa isyu. Mas mahalaga ang kinansela ang mga lisensya, isinara ang kanilang operasyon, at nahaharap sa pag-ilit ng estado sa kanilang pera at ari-arian sa bansa. Pinakamahalaga na tuluyan na silang lipulin at mabungi upang hindi na makapaghasik ng lagim sa bansa.
Ang tunay na pinakamahalaga ay bungiin ang mga Duterte upang hindi na sila makapambudol sa masang Pinoy. Kung bastusan ang labanan, ito na ang pinakabastos na magagawa ng gobyerno ni BBM sa bastos at taksil na pamilya at mga galamay. Ito ay ang tuluyang ubusin at pilayin ang kanilang network.
***
HINDI kumurap kahit bahagya ang batambatang assistant secretary at spokesman ng DoJ na si Mico Clavano nang sabihin niyang tahasan na tuluyang makukuha ng gobyerno ng Filipino ang pugante na si Arnolfo Teves Jr., ang dating kongresista na sangkot sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Arsenio Degamo. Mga dakong katapusan ng Hulyo maaring mangyari ang kanyang extradition sa bansa, ani Clavano sa kanyang pagharap sa Saturday News Forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City.
Hindi pinahintulutan ng Court of Appeals ng Timor Leste ang pananatili ni Teves sa Timor Leste, ani Clavano. Ibinasura ng husgado ang paghingi ni Timor Leste ng political asylum dahil sa political persecution sa kanya ng gobyerno, aniya. Inaasahan na aapela ang kampo ni Teves sa gobyerno ng Timor Leste at tatagal ng 30 araw ang kanilang apela.
May katwiran na paniwalaan na muling ibabasura ang kanilang apela at ibabalik siya sa bansa sa katapusan ng Hulyo, ani Clavano. Walang naniniwala na may political persecution sa kanya, ani Clavano. Ang totoo ay tumatakbo siya sa pag-uusig sa kanya ng batas.
Sinabi ni Clavano na alam ng DoJ at mga alagad ng batas kung saan nagtatago si Gerald Bantag, ang dating kilabot na dating hepe ng Muntinlupa National Prisons. Minimatyagan ang kanyang galaw at maaring siyang damputin isang araw. Maraming mata ang nakabantay kay Bantag, aniya. Sangkot si Bantag sa pagpatay kay broadcaster Percy Lapid noong 2022.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Many people are predicting a war in the WPS between China and the PH. If you study China’s strategy of deception, based on Sun Tzu, it aims to win wars without firing a shot. Magsasayang lang sila ng bala kung maco-corrupt nila mga leaders natin.” – Manny Mogato, netizen, journalist
“The much belated acquittal of former Senator Leila De Lima of all the Duterte-fabricated drug charges against her does not evince that the Philippine justice system is working for all drug offenders and victims.
“As long as former President Rodrigo Duterte, the principal instigator of the drug related extrajudicial killings is not indicted before the proper Philippine court, the Philippine justice system still fails to work for all the perpetrators and their victims.
“Complementarity of a “working justice system” cannot be invoked by the Philippines for exemption from the jurisdiction of the International Criminal Court in the case of the complaint for alleged crimes against humanity committed by Duterte and his principal cohorts.” – Rep. Edcel Lagman, Liberal Party president
“I agree with Sen. Trillanes’ idea that the Pinks and Reds should unite for 2025. Pero yung totoong Reds sana. Let’s build a genuine opposition of progressive and democratic forces to fight the two most powerful and corrupt political dynasties in the country.” – Teddy Casino, dating mambabatas, netizen
***
Email:bootsfra@yahoo.com