Advertisers

Advertisers

P10 MILYON PER BARANGAY

0 20

Advertisers

UMAASA pa ang mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na mai-aapela pa rin nila sa Congress ang pagbabalik ng P10-milyong pisong budget sa kada barangay na tatanggap ng Support to Barangay Development Program (SBDP) sa susunod na taong 2025.

Mano kasi, ang SBDP ang tinatawag na “game-changer” ng NTF-ELCAC para sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs) na dati’y kinukubkob ng mga komunistang-teroristang NPA.

Noon din kasing April, matapos ang NTF-ELCAC Executive Committee meeting, nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na di dapat buwagin ang task force at nangako itong hahanaoan niya ng paraan na makakuha ito ng P10M budget kada barangay na binabantayan nito para di na bulabugin ng mga rebelde.



Nakita at nalaman kasi ni President Marcos na malaki talaga ang nagagawa ng pinatutupad na SBDP ng NTF-ELCAC sa mga barangay na dating hawak ng mga NPA.

Sa 2025 SBDP budget, nailista ng NTF-ELCAC ang 870 barangays na dapat ay malaanan ng P10M pondo para sa kahit papaano ay makagawa ng farm-to-market roads, school buildings, water at sanitation systems, health stations, rural electrification, at iba pang mga pangangailangan upang makapamuhay ng maayos ang mga naroroon.



Nabanggit nga ni NTF-ELCAC Deputy Executive Director at SBDP Action Officer Monico Batle, kumpiyansa silang maaprubahan at maibabalik nila P10M budget.

Sa kasaysayan nga raw ng task force, noong una ang SBDP budget ay P20M. Naging P10M ito, at noong . 2022 ay naging P4M. Pagdating ng 2023, nag-request ang NTF-ELCAC na maibalik man lang P10M pero ginawang P6M. Ang matindi, noon din 2023, ang P10M, ginawang P2.5M.



Kung ang plano nga naman o roadmap hanggang 2028 mula nang tinatag sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 in 2018 ang NTF-ELCAC, mayroong higit-kumulang na 8,000 conflict-affected barangays ang dapat asikasuhin ng task force.

Kung matagumpay nga naman ang ating mga kasundaluhan na linisin ang barangay na ito at maitaboy man lang ang mga rebelde, kailangang buhusan ito ng pondo para sa ikauunlad ng mga barangay. Nang sa ganun, makikita ng ating mga kababayan doon na talagang di sila iniiwan ng pamahalaan.