Advertisers

Advertisers

Dennis at Jennylyn may sariling production company na

0 13

Advertisers

Ni Rommel Placente

NAKATUTUWA naman ang cast ng dating sitcom ng ABS-CBN noong 90’s na Home Along Da Riles dahil hindi nila nakalilimutan ang namayapang komedyante na si Dolphy, na gumanap bilang Kevin Cosme sa nasabing sitcom.

Noong 12th death anniversary ni Dolphy nitong July 10, nagpunta sila sa puntod nito. Ang ilan sa mga nandu’n ay sina Nova Villa, na gumanap na asawa ni Dolphy sa HADR, Vandolph, Smokey Manoloto, Boy2 Quizon, Maybeline dela Cruz at Claudine Barretto. Dumalaw din sa puntiod ang dating live-in partner ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla.



Sa kanyang IG account ay pinost ni Claudine ang picture nila, at ang caption niya rito,”Remembering Tatay Kevin’s 12th Death Anniversary. We miss you our Tatay Kevin.”

Pinusuan naman ng netizens ang ginawang ito nina Claudine at nagbahagi rin ng kani-kanilang komento.



“Home Along Da Riles is one of the best thing that happened back in the 90s!”

“Ang bata pa rin ni Boy2 ah. Walang nagbago.”



“Home along da riles and oki doki doc, best sitcom ever.”

Maaalalang kamakailan din ay nagkaroon ng reunion ang cast ng ‘Home Along Da Riles’ na naghatid nga ng nostalgia wave sa mga batang 90s na lumaking pinapanood ang sitcom.

Mukhang after din nito ay mas naging close at panay bonding na rin ang cast na makikitang ibinabahagi rin nila sa kanilang mga social media.

***

MAY sariling production company na ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na tinawag nilang Brightburn Entertainment.

Makikita sa post ni Jennylyn sa kanyang IG account ang ilang litrato na tila pasilip nila ni Dennis sa kauna-unahan nilang official meeting as producers.

“After 20 years in the industry, Dennis and I are trying on new hats, this time as producers, as we formally put up our own production company called Brightburn Entertainment,” masayang caption ni Jennylyn.

Dagdag pa niya, “We are very excited for this and just want to share with you these photos, our first ever official meeting as a team with no less than Netflix Philippines.”

Lubos din siyang nagpasalamat sa ilang staff ng nasabing streaming service dahil nabigyan sila ng pagkakataon.

“Thank you so much po sir Vitto, Bene and Luis for spending some time with us and for discussing opportunities we can explore in the future. Looking forward to working with all of you!” aniya pa.

Ibinunyag din ng aktres na naging business partners na niya ang kanyang manager na si tita Becky Aguila, ang anak nito na si Katrina at Jan Kristoff Enriquez.