Advertisers

Advertisers

2 patay sa habagat sa Northern Mindanao, Davao

0 15

Advertisers

Nasawi ang dalawang katao sa Northern Mindanao at Davao dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes, isa ang kumpirmadong patay sa Northern Mindanao.

Natagpuang nakalutang ang bangkay ng 47-anyos na babae sa Pulangi River sa Kabacan, North Cotabato.



Dalawa rin ang naiulat na sugatan at isa ang naiulat na nawawala sa Northern Mindanao.

Samantala, isang nasawi sa Davao Region ang hindi pa nabeberipika.



Umabot naman sa halagang P17,879,687 ang pinsala ng agrikultura sa Zamboanga at Northern Mindanao.

Nasa 73 bahay ang nasira na nagkakahalaga ng P2,116,000.



Para sa imprastraktura, nasa P700,000 ang naiulat na pinsala sa Northern Mindanao, Davao, at Soccsksargen.