Advertisers

Advertisers

Halos 1K na Bgy health workers, solo parents sa Maynila, inayudahan

0 17

Advertisers

BILANG pagkilala sa kanilang paglilingkod bilang barangay health workers at nagsilbing frontliners noong panahon ng pandemic, pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna, kasama sina Vice Mayor Yul Servo at anak ni Senator Grace Poe at chief of staff Brian Poe Llamanzares, ang distribusyon ng Assistance to Individuals in Crisis (AICS) sa halos 1,000 beneficiaries kabilang na ang mga nasabing workers pati na ang solo parents.

Ang distribusyon ay ginanap sa San Andres Sports Complex kung saan si Manila social welfare chief Re Fugoso ang umalalay pati na ang mga kinatawan mula sa tanggapan Senator Poe at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa nasabing okasyon, nagpahayag si Lacuna ng marubdob na pasasalamat kay Senator Poe sa pagpapadala ng kanya anak upang gumampan ng kanyang bahagi sa activity at sa pagsasama sa Maynila sa kanyang pinagmamalasakitan.



“Alam nyo, napakaswerte ng Maynila dahil madaming taong tumutulong sa atin, alam nila ang pangangailangan ng bawat isang Manilenyo. Lahat kami ay instumento lamang.. lahat kami ay nagtutulong-tulong,” saad ng alkalde.

Idinagdag pa ni Lacuna na: ” Kayo po ang napili dahil kayo ang karapat-dapat.” Ang mga recipients ay kabilang na ang solo parents mula sa unang distrito ng Tondo.

Binigyang komendasyon ng lady mayor ang dedikasyon at tapang na ipinakita ng mga barangay health workers noong panahon ng pandemic, sa kabila ng panganib na kanilang hinaharap sa paggampan sa kanilang tungkulin, gayundin ang mga solo parents sa kanilang lakas at tatag sa pagpapalaki ng kanilang anak kahit solo lang ang mga ito.

“Kahit anong tulong ay malaking tulong kaya kailangan nating magpasalamat nang bonggang-bongga sa mga tumutulong sa atin,” pahayag ng alkalde matapos pangunahan ang mga naroroon sa okasyon sa pagpapasalamat sa senador.

Kasunod nito ay sinabi ng alkalde kay Llamanzares: “In behalf of the 1,000 na matutulungan ngayon, nais kong ipaabot sa ating mabait na senadora ang taos-pusong pasalamat ng Maynila at bawat isang Manilenyo.”



Sa kanyang bahagi, pinasalamatan naman ni Llamanzares sina Lacuna at Servo, at sinabing kung wala ang tulong ng kanilang tanggapan ang office of Senator Poe ay Hindi makapagbibigay ng tulong sa mga chosen recipients, na ayon sa kanya ay deserving.

“As chairman of the “FPJ Panday Bayanihan,” ayon kay
Llamanzares. “It is the continuing the legacy of my grandfather, Fernando Poe, Jr., who has always helped as many as possible during his lifetime.”

Sa kanyang bahagi , pinapurihan ni Servo ang mga barangay health workers at solo
parents sa kanilang katatagan at pinasalamatan si Poe dahil laging isinasama ang Maynila sa kanyang mga programa.

Naalala.din ni Servo kung paano tulungan ni FPJ ang mga residente kapag pumupunta ito ng Blumentritt.

Ang AICS ay isa sa mga social welfare services ng DSWD na nagbibigay ng medical assistance, burial, transportation, education, food, o financial assistance bilang support services o pangangailangan ng isang indibidwal o pamilya. (ANDI GARCIA)