Advertisers

Advertisers

Kalinaw SEMR: Kulong kina Satur, Castro, atbp. hustisya sa Lumad

0 21

Advertisers

Itinuturing ng organisasyon ng mga dating kadre at dating kasapi ng grupong komunista na isang hakbang tungo sa katarungan ang naging hatol ng hukuman na pagkakakulong laban kina dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo at Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) Representative France Castro, kasama ng 11 iba pa kaugnay ng pang-aabuso sa 14 kabataan.

Napatunayan ng Tagum City Regional Trial Court Branch 2 na sina Ocampo, Castro at 11 iba pa ay nagkasala ng pang-aabuso sa 14 bata mula sa Talaingod, Davao del Norte.

Hinatulan sila ng korte ng 4 hanggang 6 taong pagkakakulong sa ilalim ng RA 7610 (Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act).



“As an organization of former cadres and members of the CPP-NPA-NDFP, Kalinaw SEMR views the court’s decision as a crucial step toward justice for the Lumad of Talaingod, who have long been exploited by false promises of radical change,” ayon kay Arian Jane O, Ramos, pangulo ng Kalinaw SEMR.

Ang kaso ay nag-ugat sa insidente sa Talaingod, Davao del Norte noong 2018 kung saan ang grupo nina­ Castro at Ocampo ay ibiniyahe ang 14 menor-de-edad na mga Lumad o katutubong mga estudyante ng Salugpungan Ta Tanu Ingkanogan Community Learning Center, Inc.

“Records reveal that the prosecution has established proof beyond reasonable doubt that the accused…committed acts detrimental to the safety and well-being of the minor Lumad learners,” ayon sa desisyon ng korte.

Sinabi ni Ramos na sa kasaysayan, ang aktibismo at pagkakaisa ng mga Manobo at iba pang tribong Lumad ay nagpakita ng kapangyarihan ng kolektibong pagkilos at kamalayan sa pulitika.

Gayunpaman, ang aktibismong ito ay inilihis ng CPP-NPA-NDFP mula sa pagkamit ng mahahalagang benepisyo para sa Lumad tungo sa pampulitikang agenda na naglalayong lansagin ang pamahalaan.



“The Lumad have already spoken out against the influence of the CPP-NPA-NDFP in their communities and have chosen to return to the folds of the law and abandon armed struggle,” sabi ni Ramos.

“Kaya dapat ipagpatuloy ng gobyerno ang pagbibigay-prayoridad sa pangangalaga sa mga karapatan ng Lumad, na nagbibigay edukasyong ayon sa kultura, at pagtatatag ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan para sa kanilang partikular na pangangailangan,” idinagdag niya.

Ayon pa sa Kalinaw SEMR, ang desisyong ito ng korte laban kina Satur at Castro ay isa ring malinaw na panawagan para sa komprehensibong reporma.

“By addressing the multifaceted needs of the Lumad communities, we can pave the way for their genuine empowerment and integration into the broader fabric of our society,” sabi pa ni Ramos.